Advertisers
IDINAGDAG ni Filipino Carlo Biado sa kanyang collection ang paghahari sa 64-man field in money-rich Abu Dhabi Open 9-Ball Championship madaling araw ng Biyernes, November 12, 2021 (Manila time) na ginanap sa Power Break Billiard Hall sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.
Si Biado na dating World 9-Ball Pool titlist ay giniba ang kanyang kababayan na si Jordan Banares, 13-6, sa kanilang championship encounter.
Tumapos ang Filipino champion ng undefeated sa nasabing event kung saan ay nanaig din siya sa mga kapwa Pinoy pool sharks Harry Vergara (11-8) sa semifinals, Roland García (11-5) sa quarterfinals at Venancio Tanio (11-4) sa Round of 16. Una niyang tinalo sina Mohamad Eiljeffrey ng United Arab Emirates (9-0) at isa pang Pinoy tumbok king Arnel Bautista (9-7).
Nakalusot naman si Banares kay Bautista (11-7) sa ia pang semifinals duel para makapuwersa ng title showdown kay Biado.
Namayani din si Banares kina Aivhan Maluto (11-8) at Abdulla Alameri ng United Arab Emirates (11-7).
Sina Banares at Bautista ay nang galing sa loser’s brackets.
Naiuwi ni Biado ang 20,000 aed (United Arab Emirates dirham) top purse habang nag-kasya si Banares sa 10,000 aed (United Arab Emirates dirham) runner-up prize sa 46,000 aed (United Arab Emirates dirham) total pot prize tournament na inorganisa ni Abu Dhabi Pinoy based Jayson Nuguid.
Ang San Juan, La Union Biado ay sariwa pa sa pagkampeon sa 256-man field US Open Pool Championship sa Atlantic City, New Jersey nitong September 19, 2021.
Si Biado ay naging ika-2 Filipino na nagkampeon sa US Open matapos ang 27 years sapul ng kunin ni Efren “Bata” Reyes noong 1994.
“I’m very happy to win again, especially in an international tournament like this Abu Dhabi Open 9-Ball Championship. Maagang Pasko ito (Christmas came early!),” sabi ni Biado na dating caddie sa Villamor Air Base golf course sa Pasay City.