Advertisers
SA pagluwag ng alert level ng IATF sa NCR plus, makakaarangkada na rin ang nagbabalik na Maharlika Pilipinas Basketball League sa pagtikada ng Chooks -to-Go- MPBL Invitational tournament sa susunod na buwan ng Disyembre.
Ang MPBL Lakan Cup reigning champion Davao Occidental COCOLIFE Tigers na isang champion caliber na koponan ang muling sisingasing ang bangis sa arena ng bagong bihis na liga kung saan ay si Kenneth Duremdez pa rin ang commissioner. dahil sa ang mga Tigers ay binubuo ng mga subok nang beterano at bagito pero palabang manlalaro na namayagpag na na sa mga giyera ng amateur/ commercial basketball league sa bansa.
Ang kampeong koponan mula Mindanao na na pag-aari nina Davao Occidental Governor Claude Bautista at Congresswoman Claudine Bautista Lim at suportado nina COCOLIFE president Atty. Jose Martin Loon, SVP Joseph Ronquillo, VP Rowena Asnan at EVP Franz Joie Araque ay binubuo nina: Captain Ball Mark Yee Co- Capt Joseph Terso BonBon Custodio Billy Robles Kieth Agovida Robby Celiz Emman Calo Marco Balagtas ,Alwyn Alday, Gab Dagangon ChrisLalata Jose Presbitero Alwin Alday Irven Palencia John Wilson,Pauli Hubalde at Alex Santos sa timon nina coach Matt Makalintal Manu Inigo at Arvin Bonleon habang si Bhong Baribar ang operations head .
“All efforts lahat para sa team.Hear us roar once more sa MPBL”,ani asst.team manager Ray Alao.
“ Davao Occidental COCOLIFE Tigers will continue it’s winning tradition in this tournament of champions”, mensahe ni SVP Ronquillo sa itinuturing na team to beat sa MPBL Invitational “Matapos ang mga serye ng virtual training at karanasan sa ibang liga ng Tigers natin ay handa na sila sa panibagong challenge in observance with the health protocol na ipinatutupad ng kinauukulan.Narito lang kami para sa suporta, “ pahayag naman ni team manager Dinko Bautista.(Danny Simon)