Advertisers

Advertisers

Magkasama ulit sa ‘Probinsyano’ Sharon nagsisi sa pananakit sa ex-labs na si Rowell; Paolo proud na kapareha na ni Heart

0 464

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

KUNG ang isang leading man ni Heart Evangelista sa bago niyang teleseryeng “I Left My Heart In Sorsogon” na si Richard Yap ay medyo na-starstruck sa byuti ni Heart, si Paolo Contis  naman ay tila nasabik na muling makasama ang aktres.

Halos magkasabay silang naging Kapamilya star  at nagsama pa sa iisang project noong kabataan days nila.



“First time was in the movie ‘Trip’ ng Star Cinema na magkapatid kami. That was exactly 20 years ago when we were still teenagers,” say ni Paolo.

Kaya nga noong inialok kay Paolo na maging leading man ni Heart ay hindi na siya nagdalawang isip pa na sumabak sa audition at mismong si Heart pa ang pumili sa kanya sa naturang audition.

“This is the first time na leading man niya ako. She has matured so much as a person and as an actress. She’s the leader, the host on our set. May mga ginagawa siyang bagay sa set para sa kabutihan ng lahat and we all appreciate it.

“Nakapag-bond kami lahat nang maayos. It’s a nice surprise na wala kaming stage at all na nangapa kami. Everything was smooth because of her,” dagdag pang say ni Paolo.

***



FRESH from the overwhelming success of her wild sexy movie na ‘Revirginized’ ay sasabak naman ngayon ang Megastar na si Sharon Cuneta sa isang teleserye na magiging parte na rin siya ng “FPJ’s Ang Probinsyano” ng Kapamilya Network.

Sa naturang serye ay balik tambalan sila ng dating kaloveteam sa movie na si Rowell Santiago. Kung matatandaan ay maraming kinilig sa tambalan ng dalawa pero nanaig pa rin ang loveteam nina Sharon at Gabby Concepcion. Ngayon ay muling sasariwain nina Rowell at Sharon ang kanilang tambalan sa FPJAP.

“Rowell Santiago was the only one whose heart I broke and didn’t deserve it. My fault and I have been atoning to Rowell who is my good friend and often concert and TV show director nowadays and before din,” say ni Megastar.

Huling seryeng nagawa ni Mega ay sa TV 5 pa at taon na rin ang binilang nito. Comedy naman ang genre ng naturang serye sa Kapatid Network. Ngayon ay sa matinding dramahan sasabak ang byuti ni Ate Shawie.

“Ang nerbyos ko lang parang ‘Oh my God, paano kayang gumawa ng teleserye na every day?’ Sanay ako movies, di ba? Though I have a teleserye before pero iba s’yempre na seryosong drama tapos Kapamilya.

So, ang laki-laki ng papasukin kong teleserye kasi it’s been number one for six years. So, no brainer for me. Oo agad, it was so easy for me to decide na inspite of the lockdown, inspite of malalayo na naman ako sa pamilya ko,” dagdag pang say ni Ate Shawie.