Advertisers

Advertisers

Alden excited makasama sa proyekto ang idolong loveteam na sina Lloydie at Bea

0 533

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

SA pagpasok ni John Lloyd Cruz sa bakuran ng Kapuso Network, maraming fans ng tambalan nila ni Bea Alonzo ang sobrang kinilig at natuwa dahil malaki ang tsansang muling magsama ang dalawa sa iisang project lalo pa nga’t pareho na silang Kapuso.

At kung meron mang Kapuso actor na labis ang kasiyahan sa kaganapan na ito, ito ay walang iba kundi ang Asia’s MultiMedia Star na si Alden Richards. Hindi kailanman itinago ni Alden ang kanyang labis na paghanga sa tambalang John Lloyd at Bea. Talagang sinubaybayan niya ito kahit noong time na wala  pa siya showbiz.



“Hindi pa ako artista, sobrang idol ko na ‘yung team-up ng John Lloyd-Bea, e.

“So talagang forever fanboy ako ng team-up na ‘yun,” say ni Alden.

Kaya noong nag-showbiz na siya, isa sa nilo-look forward ni Alden ay makita sa isang okasyon ang kanyang mga idolo. At nang mangyari ito ay nakalimutan ni Alden na isa na rin pala siyang artista.

“A few years back, parang there was a Christmas party, parehas po kasi kami ng styling team ni JLC at tsaka ni Bea, so nagkita kami doon. And parang sa buong buhay ko po ng pagiging artista, first-time ko po naging fanboy kasi sobra kong idol ‘yung dalawang ‘yun, e,” saad pa rin ni Alden.

At kung sakaling alukin siya ng GMA-7 na magsama silang tatlo sa iisang project, ano kaya ang masasabi ni Alden?



“Mas game pa po sa game,” dagdag na tugon ni Alden.

***

NAGSIMULA sa crush lang ni Mavy Legaspi si Kyline Alcantara at naging tropa pa ng kanyang kakambal na si Cassey, na nauwi sa ligawan ang paghanga ni Mavy sa byuti ni Kyline.

Na-develop ang tinatagong feelings ni Mavy kay Kyline nang magsama ang dalawa sa iisang project at ganun na rin sa lock-in taping ng “I Left My Heart In Sorsogon” na pinagbibidahan nina Heart Evangelista, Richard Yap at Paolo Contis. Inamin na nga ni Mavy na pinopormahan na niya si Kyline, ito ay sa kabila ng bulung-bulungan na may lihim na relasyon na ang dalawa sa sobrang close nila sa lock-in taping ng kanilang serye.

Sa pag-amin ni Mavy sa panliligaw kay Kyline,  natanong ang young actor kung paano niya pinaliliparan ng hangin ang dalaga?

“Ako, ’yong rule talaga nina Mama at Papa sa akin, kung interested ako sa isang babae, iko-court ko talaga. I believe in that,” sagot ni Mavy.

Inamin naman ni Kyline na may kilig factor sa kanya ang istilo ng panliligaw ni Mavy, na may pagka-old fashioned way.

“He’s really a gentleman, super! Like, sa lahat nang nakilala ko, s’ya talaga ’yong pinaka-gentleman sa lahat ng ’yon. Hindi sa lahat ng nanligaw sa akin pero sa lahat ng lalaking nakilala ko, except, of course, from my loved ones and family members.

“But s’ya talaga ’yong pinaka-gentleman to the point na nagagalit s’ya kapag ako ang nagbubukas ng pintuan. Hindi naman nagagalit, parang, ‘Ano ba? Dapat ako ang nagbubukas ng door for you. Bakit ikaw ang nagtimpla ng kape? Dapat ako ’yan, ganu’n. Nakaka-dalagang Filipina. Hahaha!”, masayang say ni Kyline.