Advertisers

Advertisers

Ligtas na kalsada, maayos na daloy ng trapiko, susi sa pag-angat muli ng ekonomiya

0 237

Advertisers

INSPIRASYON SA BUHAY: “… Pagsikapan ninyong mamuhay nang tahimik, pag-ukulan ninyo ng pansin ang sariling gawain at hindi ang sa iba. Maghanapbuhay kayo tulad ng itinuro namin sa inyo. Dahil dito, igagalang kayo ng mga hindi mananampalataya at hindi na ninyo kailangang umasa sa iba…” (1 Tesalonica 4:11-12, Ang Tanging Daan Bibliya).

***

LIGTAS NA KALSADA, MAAYOS NA DALOY NG TRAPIKO, SUSI SA PAG-ANGAT MULI NG EKONOMIYA… Nagsimula na ring magpatupad nitong Nobyembre No Contact Apprehension Program o NCAP ang provincial government ng Bataan. Sumunod na rin sa ibang LGUs ang naturang bayan sa paggamit ng makabagong pamamaraan ng paghuli sa mga lumalabag ng batas trapiko sa pamamagitan ng mga high-tech na cameras na nakatalaga sa mga iba’t ibang lugar sa siyudad. Itong mga high-tech cameras na ito ay may kakayanan na makuha ng malinaw na litrato ang mga plaka ng mga lumalabag na mga sasakyan, mapa-pampubliko man ito o pribado.



***

Ang kahabaan ng 68-km na Roman Highway mula Dinalupihan hanggang Mariveles ay dinadaanan ng mga iba’t ibang uri ng pribado at pampublikong bsasakyan lalung-lalo na ng mga iba’t ibang uri ng truck mapa-cargo man o tanker truck. Matatagpuan rin sa Bataan ang sentro ng komersyo na Freeport Area of Bataan at may presensya ang 90 multinational companies kung kaya’t importantenf ruta ito ng maraming negosyo at komersyo.

***

Maraming layunin para tuluyang mapalago ang ekonomiya ng Bataan sa pamunuan ni Gov. Abet Garcia at unang-una na dito ay ang matatag na imprastraktura na magsusulong ng elonomiya at magpprotekta sa mga mamamayan. Ayon sa datos noong 2019, tinatanchang nasa P3.5 bilyon ang nawawala dahil sa matinding trapiko. Kabilang na dito ang krudong nasusunog, ang oras ng empleyado na nahuli sa pag report sa trabaho, at ang halagang ng mga pinsala na nadudulot ng mga aksidente na sanhi ng mga pasaway na drayber.

***



Ayon rin mismo kay Rep. Jose Enrique Garcia III na naroon nung inilunsad ang programa, sa partnership na ito ay maaasahan na magdudulot ito ng mas magandang daloy ng trapiko sa Roman Highway at makakaiwas na sa aksidente dahil ang apprehension ay 24/7. Talagang mamo-monitor din daw ang mga sasakyan kung saan malaki ang maitutulong nito para makabawas sa mga aksidente at pinsala sa buhay.

***

Nawa ay maging matagumpay ang programang ito na naisagawa na din sa mga ibang siyudad. Mapapansin na naging mas disiplinado ang mga drayber sa mga siyudad kung saan may NCAP dahil na din sa takot na ma-tiketan at pagmultahin pag sila ay nahuli. Sa ganyang sistema ay aayos ang daloy ng trapiko at magkakaroon tayo ng mas konting oras sa kalsada, at mas maraming oras para sa ating mga pamilya at mahal sa buhay.

***

SARA DUTERTE, PUWEDENG MAGING SUBSTITUTE CANDIDATE SA POSISYON NG PANGULO, BISE PRESIDENTE, O SENADOR: Wala ding itinatakdang mga kondisyones sa substitution ng mga taong ito, maliban sa sila ay mag-uurong ng kanilang kandidatura, at pagkatapos ay papalitan sila ng substitute candidates, tulad ni Sara, bilang kandidato sa anumang posisyon, o sa posisyon ng pangulo, tulad mulli ni Sara.
Ipinunto din ng mga abogado na ang mga pagpapalit o substitution na sakop ng Omnibus Election Code sa ngayon ay tumutukoy lamang sa mga kandidato na may partido.
Sa kabilang dako, pupuwede din naman na magsumite si Sara ng certificate of substitution bilang bise presidente, lalo na ngayon at siya ay nanumpa na bilang kasapi ng Lakas CMD, na pinamumunuan ng dating Pangulong Arroyo at pinamamahalaan nina Senador Bong Revilla at Leyte Rep. at Deputy House Speaker Martin Romualdez.
Bagamat walang kandidatong pangulo ang Lakas CMD, may kandidato naman ito sa pagka-pangalawang pangulo, na nagngangalang Lyn Fernandez Uy. Ayon sa mga Lakas CMD insiders, magsusumite si Lyn Fernandez Uy ng kaniyang withdrawal sa Lunes, Nobyembre 15, at, halos kasabay ng withdrawal niyang ito, magsusumite naman si Sara ng kaniyang certificate of substitution, bilang vice presidential candidate.