Advertisers

Advertisers

GO BONG GO!

0 215

Advertisers

PINAKAMALAKING desisyon sa buhay ni Senator Christopher Lawrence ‘Bong’ Go ang nangyari kamakalawa sa tanngapan ng COMELEC mismo

Ang dating executive assistant noon ni Mayor Rodrigo Duterte sa Davao City at naging Special Assistant to the President(SAP) naman nang maging Pangulo ng Pilipinas ang pamosong alkalde mula Mindanao ay tuluyan nang tinahak ang Kapalaran sa pagiging lingkod- bayan nito dahil sa mismong siya ay di makapaniwalang Senador na siya mula 2019 hanggang sa kasalukuyan.

Pero ang pagiging Senador niya ay punong puno ng aksiyon sa pagtulong at malasakit sa mamamayang Pilipino na nangangailangan ng agaran at pang-matagalang tulong.



Dahil malapit na ang itinakdang deadline ng COMELEC( ngayon) sa aspeto ng substitution sa mga magwi-withraw ng candidacy at papalit ang kapartido na ayon sa batas ng COMELEC.

Iniatras na kamakawa ni vice presidentiable Bong Go ang kanyang kandidatura sa partido niyang PDP Laban matapos namang mga-file si Davao City Mayor Sara Duterte bilang vice president( Lakas CMD) katambal malamang sa kuwalisyon si presidentiable Bongbong Marcos.

Mayorya ang nagbunyi sa magiging tandem na BBM- Sara pero may isang malaking pangyayaring bumulaga sa lahat nang mag-file si Sen Bong Go ng pagka-presidente at nag-substitute sa nagwithraw sa presidency na si Senator Ronald ‘Bato dela Rosa.

Wika ni Go, mahal niya ang mga Duterte at mga Pilipino kaya ayaw nyang makatapat si Sara sa pagka-VP.

Dahil kayang-kaya ni Go ang trabaho ng isang pangulo ng bansa base na rin sa karanasan niya kay PDigong ay ipinagmalaki niyang wala siyang sasayanging oras na paglingkuran ang sambayanan pag siya ang palaring maging pangulo ng Pilipinas.



Kaya ang magiging duwelo rito ay ang nakabibinging Bong vs BongBong..GO!

Eh kung Dutertre vs Duterta sa VP? ..huwag naman… ABANGAN!

Lowcut: Acknowledgment kina COCOLIFE SVP Joseph Ronquillo, Davao Occidental Tigers COCOLIFE basketball operation head Bhong Baribar at deputy team manager Ray Alao sa kanilang suporta sa advocacy project nating GILAS Arts Clinic for Kids at Sports Mural Painting contest for young potential artists na in and out of school kids.MABUHAY!Para sa reaksiyon ..#09199845253