Advertisers

Advertisers

Kahit may dyowa na ngayon… Nadine inamin, nahirapan mag-move on kay James

0 418

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

FINALLY nagsalita na rin si Nadine Lustre tungkol sa break-up nila ni James Reid.

Aminado naman siya na hindi naging madali sa kanya ang pagmu-move on. Almost a year din daw bago siya unti-unting nakalimot. Hindi naman daw ganoon kadali para maghilom ang sugat.



Tinanong si Nadine kung ano ang ginawa niya during that time. Ginawa raw niya ang lahat ng hindi niya ginagawa before.

“After my break-up it was the pandemic  na eh. A couple of months after that, it was already the pandemic. So, you know. I couldn`t  see my friends, I  was  stuck  at  home,” aniya.

“ I was  just  reflecting on all the things that  I`ve done, the person I`ve become. It  was  like I  was having conversation with  myself and I just  trying to know  myself  again  as an individual,” say pa niya.

Ginawa niyang busy ang sarili at ginawa niya ang mga bagay na hindi pa niya ginagawa. Tulad ng pagsusulat ng kanta, cooking, flower arrangement, painting atbp.

Hanggang dumating na lang daw ang isang umaga na nagising siya na nakapag-move on na.



“It  took  a  while to realize that  I  needed to put myself first that`s  why. But then, when I realized that  and when I  decided  to put myself first it just  got  went  out  of the window.”

Sa ngayon ay balitang bumalik na ang kasiyahan sa mukha ni Nadine dahil may nagpapasaya na sa kanya na bagong boyfriend at madalas daw makunan na magkasama sila.

***

Pangulong Duterte inamin, nagulat sa ginawa kay Sara

INAMIN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi niya nagustuhan ang ginawa sa anak niyang si Inday Sara Duterte Carpio nang patakbuhin itong Vice President sa 2022 election.

Katuwirin ni PRRD ay nangunguna sa survey si Sara noon kaysa Bongbong Marcos tapos patatakbuhing VP imbes na Pangulo ng bansa.

Sinabi rin ni Pangulong Duterte sa interview sa kanya ni Banat Bay na hindi niya susuportahan ang kandidatura ni Bongbong dahil pro-communist daw ito tulad din daw ni Leni Robredo.

Hindi  raw nagustuhan ng Pangulong Duterte na patakbuhing VP si Inday Sara samantalang alam ng sambayanan na nangunguna ito sa survey kahit hindi ka pa nagpapahayag na tatakbong Pangulo ng bansa.

Suportado ni PRRD ang kandidatura ni Bong Go para sa pagka-Pangulo ng bansa sa darating na election.

Pero marami naman ang nag-react na bakit daw nila iboboto ang hindi naman purong Pilipino. Isang Filipino/Chinese daw si Go.

***

Janno badtrip sa ‘Showtime’ sa pagkansela sa guesting

SUMAMA ang loob ni Janno Gibbs matapos na kanselahin ng It`s Showtime the night before ang kanyang scheduled guesting para mag-promote ng kanyang pelikula.

Sinabi ni Janno sa kanyang post na noong nakaraang pelikula  nila nina Andrew E at Dennis Padilla ay pinayagan yung dalawa pero siya ay hindi. Matagal kasi siyang sumama sa Eat Bulaga at nang umalis sa noontime show nina Bossing Vic Sotto ay sumama naman siya sa iba pang noontime show.

Deleted na sa Instagram ang post niya tungkol sa na-cancel na guesting niya sa Showtime to promote his movie.

“We scheduled  to guest on Showtime today to promote  Mang Jose. But  the guesting was cancelled last night. Hanggang ngayon pa ba naman ABS? Nung Sanggano part 1 alam nyo bang si Andrew E at Dennis lang ang pinayagan mag-guest. Ako bawal. Nang pinaglalaban niyo ang prangkisa nyo ay nakisimpatya pa ako. Kala  ko`y  lumambot  na ang puso  nyo matapos ang inyong mga pinagdaanan. Hindi ba dapat  ay nagtutulungan  tayo sa hirap ng lagay ng industriya ngayon? Masyado namang matindi ang galit nyo sa akin. Oo kailangan ko kayo at hindi nyo ako kailangan. Ngunit ano ba naman ang ilang minuto  para makapag promote lang ng pelikulang malapit sa puso ko.”

Marami  ang nagtatanong kung ano raw ba ang naging atraso ni Janno sa Kapamilya network at bawal siyang mag-promote or lumabas sa nasabing noontime show?

Disappointed naman ang mga netizen kung bakit dinilete ni Janno ang kanyang post, hindi raw tuloy nabasa ng Kapamilya Network. May nagtanong din sa sikat na komedyante/TV host kung sino ang nag-utos sa kanya para tanggalin ang kanyang post?