Advertisers

Advertisers

Pauleen aprub na ‘di tawaging tita ng stepdaughter na si Danica

0 250

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA IG post ng 33rd birthday ni Pauleen Luna ay bumaha ng pagbati sa esmi ni Bossing Vic Sotto.

Nagpasalamat pa nga ito at napabilang na siya sa Sotto family.



Present naman ang kanyang step daughter na si Danica Sotto Pingris at ganun din si Oyo Boy Sotto na bitbit ang pamilya.

Maraming nakyutan sa post pics ni Pauleen kasama ang kanyang anak na si Tali at ate nitong si Danica.

Inamin nina Danica at Oyo na fave nilang little sister si Tali dahil sa pagiging biba nito.

May naglakas naman ng loob na netizen na nag-ask kay Danica at dahil sa curiosity kung ano nga ba ang tawag nito sa kanyang stepmom dahil mas matanda ito kay Poleng.

Sinagot naman ni Danica at sinabi nito kung ano nga ba raw ang tawag nito kay Pauleen na asawa ng kanyang tatay.



Diretsahang sinagot ni Danica sa netizen na kung ano nga ba ang tawag nito kay Pauleen.

Sabi ni Mrs. Pingris na Pauleen lang ang tawag niya rito at ang kanyang mga pinsan ay Tita, Auntie Pol or Poleng ang tawag dito.

At wala naman daw kay Pauleen kahit di siya tawaging Tita or Auntie ni Danica at di naman big deal sa kanya ‘yun.

Ang mahalaga raw ay nagkakasundu-sundo sila at nagkakaintindihan.

***

Christmas station ID 2021 ng ABS-CBN at GMA7 nagsalpukan

KAHIT sa mga Christmas station ID ng ABS-CBN at GMA-7 ay nagtapatan sila.

Kung ang Kapamilya ang kanilang pambato para sa Christmas station ID ay sina Judy Ann Santos, Coco Martin with appearances of Olympics World Champ na si Hidilyn Diaz, may pantapat naman ang Kapuso network para sa kanilang mga ipinagmamalaking Kapuso stars.

Bida naman sa Kapuso Christmas station ID nag kanilang mga pambato na sina Dingdong Dantes, Marian Rivera at ang bagong Kapuso na si Bea Alonzo.

Sa dalawang Christmas station ID ng Kapamilya at Kapuso, sino kaya ang magki-klik?

Naging hitbusters para sa masa ang isa sa mga Christmas station ID ng Kapamilya, ang ‘Star ng Pasko’.

Ngayon nga raw ay magkakaalaman kung sino ang papatok na Christmas station ng 2 kilalang network.

Well, well, well…’Yun  na!