Advertisers
Ni WALLY PERALTA
HAPPY ang young Kapuso hunk actor na si Derrick Monasterio dahil muli na naman silang nagkasama ng kanyang paboritong leading lady na si Sanya Lopez, sa isang episode ng ‘Daig Kayo Ng Lola” na “My Oppa” kasama rin sina Gil Cuerva at Jon Lucas.
Sa isang panayam kay Derrick ay hindi na niya itinago pa ang labis na paghanga sa byuti ni Sanya at sa pagiging paborito niyang leading lady ang Kapuso actress.
“Oh my God, I love Sanya so much. Sobrang down to earth, galing na artista, at professional. Kahit natatapakan na ‘yan, ‘di ‘yan nagsasalita. Gano’n siya ka-professional,” saad ni Derrick.
Bukod sa paghanga sa byuti at professionalism ni Sanya, aminado rin si Derrick na tuwing kaeksena niya si Sanya ay tangay na tangay raw siya sa dalaga.
“Working with Sanya is always a pleasure kasi nga nadadala rin ako. Magaling na artista ‘yan talaga. Alam ko alam niyo, pero ‘di niyo alam yung nakikita ko,” dagdag na say pa rin ni Derrick.
Hindi naman kaya dumating sa punto na pormahan ni Derrick si Sanya dahil na rin sa sobrang paghanga niya rito?
“Si Sanya, masyadong focus sa trabaho. Workaholic na tao ‘yan,” say ni Derrick.
***
DAHIL sa tagumpay na tinamasa ng pelikulang ‘Gusto Kong Maging Pornstar’ ng Viva Films, na ini-launch si AJ Raval bilang isang sexy star ay nagkaroon ito ng part 2, “Gusto Kong Maging Pornstar 2: Ikalawang Putok.” Pero bukod kay AJ ay bago na lahat ang mga sexy young star na inilunsad, samantalang kasama pa rin sa cast sina Ara Mina, Rosanna Roces, Alma Moreno at Maui Taylor. Ang apat na baguhang sexy stars ay sina Sab Aggabao, Ayanna Misola, Stephanie Raz, at Cara Gonzales. Male counterpart naman sina Prince Salvador, Jet Delgado, Rash Flores, at Abed Green.
Kung si AJ ay nakalusot sa unang movie, sa palagay kaya ni Rosanna ay may malaking tsansa na mapansin din ang sinuman sa apat na baguhang sexy star?
“Magaling pumili ang Viva. May acting talent sila, marunong sila sa drama, kay bibilis umiyak. Advice ko, kapag sumikat kayo, wag kayo magbabago, wag lalaki ulo dahil yan ang ikasisira nyo,” say ni Osang.
Pagdating naman sa pagiging daring ng apat, ano kaya ang masasabi ng binansagan noon na primera hubadera na si Osang?
“Sabi ko sa kanila, huwag nilang ikahihiya ang ginagawa nila. Just think of it as a stepping stone sa career nyo dahil may iba kayong pupuntahan after that. Gaya rin nang nangyari sa akin. Sa ganyan ako nagsimula and up to now, I’m glad nandito pa rin ako. But yung mga baguhan dito, puro palaban sa hubaran,” dagdag na say pa ni Osang.