Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
MAGIGING aktibong muli sa limelight si Marc Cubales, lalo na sa pagpasok ng year 2022. Ito ang ipinahayag ng talented na international model, singer, producer, businessman, at pilantropo.
Kahit may pandemic, hindi nawawala ang paging matulungin ni Marc. “Hindi na ako nagbibigay ng mga tulong na bigas, yung mga ganoon, nagpa-Gcash na lang ako… ginawan ko sila ng monthly allowance, kahit paano. Pero nakakatakot din dahil imagine, bigla na lang wala na (sila), hindi ba?
“Okay naman kahit pandemic ngayon, tuluy-tuloy pa rin, kasi if it’s in your heart na gusto mo talaga yung ginagawa mo, there’s always a way, may paraan talaga,” lahad ni Marc.
Aniya pa, “By February may pasabog talaga, more than what you expect. We’re halfway through, so kahit na pandemic, kahit ganyan na tahimik kami, we tried na rin na kumilos kahit paano, para nakaabang lang siya. Like yung fashion show sa Youtube, natapos namin siya, puro teaser lang. Nakapag-photo shoot kami for Gladys Magazine which is available sa US sa Barns and Nobles.”
Isa sa kaabang-abang dito ang Sinag fashion show nila ng award-winning fashion designer na si Ms. Joyce Peñas Pilarsky.
Kuwento ni Marc, “Kaya siya tinawag na Sinag, though dark times tayo ngayon, hindi ba, there’s always a light. Sinag symbolizes hope na sa kabila ng pandemya, may malaking pag-asa pa rin. It’s actually a project of Jhay Layson, produced by me and Joyce and me as a model na rin. Jhay is also an international designer and award-winning designer helping Joyce as well.
“Actually, model lang ako sa Sinag and part producer… but the brain and the idea sa project is really from Jhay Layson.”
Dagdag na esplika pa niya, “I told her (Joyce) na hindi ko na gustong maging model, gusto ko na lang maging director or assistant director, but she refused, kaya sabi ko, ‘Why not?’
“Pero parang feeling ko ngayon, parang mas lalo pa siyang ano, kasi I couln’t imagine na I’ll be part of a US magazine… anytime ay magce-centerfold na naman ako, US pa. Tapos next year ay magfa-fashion week kami sa London, may jewelry din dito at mas extravagant ang ilalabas na mga jewelry.”
Nabanggit din niya ang pinaplantsa nilang BL serye.
“There’s a BL series na pinag-uusapan namin, actually part-2 na ng BL series, pero magbabago lang ng casts. But we are aiming, we are looking sa mga hindi artista, like yung mga influencer, yung mga Tiktok artists, mga ganoon. Iyon ang sinusubukan naming ipasok, instead na mga celebrity. Kasi they have talents din e, yung mga Tiktok artists,” saad pa ni Marc.
Sa tingin niya, mas masaya ang Pasko ng mga Filipino ngayon? “Oo naman, mga Filipino tayo, no matter what, kahit anong sakit pa iyan, kapag Pasko is Pasko, walang makaka-control sa atin,” pakli niya.
“Kailangang mag-celebrate lalo na ngayon, dahil mas espesyal ngayon. Kasi I’ve been on my own for a couple of years. But this year, kahit paano, I can tell na may family na ulit ako,” masayang esplika pa ni Marc.