Advertisers
Ni JOVI LLOZA
MARAMING kumukuwestyon kung bakit ipa-partner si David Licauco sa tinaguriang Primetime Princess na si Barbie Forteza.
May bagong serye kasing gagawin si Barbie at si David ang target na maging kapareha nito.
Pero may mga netizen na nag-react na tila tutol sila na ipareha si Barbie kay David.
Hindi naman malaman kung ano nga bang jutay ang tinutukoy ng bashers.
Ang karera ba ni David or ang kanyang pagkalalaki or si junjun?
May resbak naman ang followers ni David na nagsasabi na walang magagawa ang basher kung sino ang ipapareha kay Barbie para sa bagong serye.
At may ipagmamalaki naman si David dahil awardee na rin ito na bigay ng Star Awards.
Hindi naman pinalagpas ni David ang basher na nagsasabing jutay siya. Sumagot si David sa kanyang socmed account.
Pabiro nitong sinopla ang basher at sinabi ni David, ‘Malaki to besh!’
***
KAPWA tahimik sa isyung hiwalay na sina Rayver Cruz at Janine Gutierrez at isang buwan at kalahati na raw palang split ang celebrity couple.
Nag-start daw ang break-up noon pang October 1.
Nagsimula sa blind item, may mga reporter nga raw na nangahas na tawagan si Rayver pero dedma at ayaw daw sagutin ang cellphone para linawin ang isyu.
Kahit si Janine ay tahimik din sa isyu hanggang magpunta na nga ito sa abroad.
May mga sitsit na management na lang ang sasagot sa isyung hiwalayan nina Rayver at Janine.
May kumakalat ding isyu na ‘di kaya si Paulo Avelino ang mitsa ng hiwalayan ng dalawa? Sa socmed ay kita ang sweetness ng pics nina Paulo at Janine na umamin nag-date.
Isa pang pag-amin ayon sa sitsit na trulala na niligawan ni Paulo si Janine dati.
Ngayong wala na itong dyowa, i-push kaya ni Paulo ang panliligaw sa dalaga kung hindi pa nga sila talaga.
May mga dahilan naman na naglitawan na atat na raw mag-asawa si Rayver.
Never naman daw ito kinagat ni Janine dahil ini-enjoy pa nito ang pagiging single at marami pa anya itong dreams na gustong matupad.
Siyempre iba pa rin na manggaling sa celebrity couple ang reason ng kanilang hiwalayan.
Well, well, well…’Yun na!