Advertisers

Advertisers

MGA BAGONG MUKHA NA DAPAT SA HARDCOURT NG SENADO

0 414

Advertisers

SA isang torneo o koponan, kapag pare-parehong mukha na lang ang napapanood sa laban, iilan ang magaling, karamihan ay bano , petiks lang o benchwarmer,nakakasawa at walang asenso ang liga. Ganyan din sa pulitika partikular sa Senado.

Ang prestihiyosong institusyon ani Juan ay napagharian ng mga switik,epalitiko, bopolitiko, pula’tiko, yellowtics ,bangkotiks et al na dahilan upang magdusa ang bayang dapat nilang paglingkuran ayon sa kanilang sinumpaan.

Kaya pagdating sa ‘trust rating’ ay naungusan pa sila ng Mababang Kapulungan.



Kilala na sila ng sambayanang nagtiis ng mahabang panahong walang ginawa kundi manira, tumuligsa sa gobyernong kinabibilangan nila, tutulan ang mga programa para sa kapakanan ng bayan kapag kanilang sariling interes ang maapektuhan. Napakatagal ng isang termino sa mga ganitong uri ng mambabatas daw paro ‘alang ginawa kundi mag-imbestiga in aid of legislation kuno pero grandstanding lang sila bilang epalitikong trapo.

Ngayon ay nanliligaw sila na muling ihalal ng taumbayan para daw sa pagbabago at panimula eh ang tagal nilang walang ginawa.

Mamboboladas na naman sila para sa posisyong ginawa nilang kabuhayan at propesyon na laway, kaban ni Juan at kabalintunaan ang puhunan.

Dala na ang botanteng bayan sa mga tulad nila.Iba na ang ihahahal nila sa pedestal.

Bagong mukha naman at ang daming magagaling na aspirante na naghihintay lng na basbasan.



ABANGAN!

Ilan lang sa mga tunay magagaling na pipiliin ng mayoryang Pinoy na dapat na iniluluklok sa Mataas na Kapulungan anumang partidong kinabibilangan ay tulad nina Marcoleta, Panelo, Roque, Gadon,Eleazar, Villar,Padilla, Duterte,Monsour del Rosario na mga puro bagong mukha pero tunay na magpe-perform bilang mga mahusay na Senador ng bansa at ang mga datihang puwedeng ibalik sa Senado ay sina Zubiri, Escudero at Cayetano. Tandaan po ninyo!

Sila ang mag magpapasigla muli ng aksiyon sa liga ng mga senador sa torneo ng susunod na planaryo..MISMO!

Lowcut .Shoutout kay bro Waldon Carbonell ng Cocolife at kay veteran journalist par excellence Waldy Carbonell. Good luck sa Davao Occ.COCOLIFE Tigers ..pasok sa semifinals ng FILBASKET..GO FOR THE GOLD! Belated birthday greetings kina Mel France Salazar, Ella Mae Salazar at Maria Mae Salazar ng Camanggahan , San JoseCity , Mindoro Occidental.