Advertisers

Advertisers

Ynez Veneracion masipag mag-promote ng Beautederm

0 414

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

IPINAHAYAG ni Ynez Veneracion na masaya siya na lately ay may mga dumarating sa kanyang trabaho.

Napanood siya recently sa Eat Bulaga, pagkatapos nito ay nag-taping naman ang aktres para sa Wish Ko Lang ng Gma-7.



Aniya, “Yes, nakakatuwa na nabe-bless ni Lord. Sana madagdagan pa ang mga trabaho, faith lang talaga.”

Dumarami ang guesting niya lately, game na ba siyang mag-teleserye?

“Hindi naman, bale sa Eat Bulaga and Wish Ko Lang. Mayroon dapat lock-in taping, kaso aabutin kasi ng one month, eh. Hindi pa ako ready na iwan yung three months old ko na baby,” sambit pa ni Ynez.

Napansin din namin na masipag siyang mag-promote sa social media ng Beautederm, ipinaliwanag niya ang rason.

Esplika ni Ynez, “Kasi loyal user ako ng product at nakita ko kung gaano kaganda at effective ang mga product ng Beautederm. Noon, hindi pa ako ambassador ng Beautederm, post na ako nang post. Kasi nga, noong nasubukan ko ay naloka ako dahil effective talaga, kasi ang dami kong nagamit dati, wala namang talab!



“So itong Beautederm, noong sinubukan ko, after two weeks nakita ko agad yung result, kaya pinush ko talaga ang pagpo-post para ma-share ko sa mga mahihilig mag-alaga ng skin nila. Ayaw ko kasi talaga na mag-post ng products na hindi ko pa nata-try. Kailangan subukan ko muna at bago ako naging ambassador, bale two years akong user ng product na ito.”

Dagdag pa ng aktres, “Isa pa, super bait at generous ni sis Rei (Rhea Tan, CEO at President ng Beautederm). Ang dami niya talagang natutulungan. Hindi siya madamot. Kung anong blessings ang ibinibigay ni Lord sa kanya, isine-share niya ‘yun sa marami.

“She is truly beautiful inside and out, na dapat tularan ng iba pang mga CEO.”

Ano ang favorite products niya at pinakahiyang siya sa Beautederm?

“Halos lahat favorite ko, kasi lahat maganda at effective talaga. Pero ang everyday and night ko na ginagamit ay yung Cream set. Facial wash, Make-up remover at whip soap ng Beautederm,” masayang wika pa ni Ynez.