Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
USAP-usapan noon ang naging pahayag ni Albie Casino tungkol sa kanyang pasabog sa ex na si Andi Eigenmann bago pa man siya pumasok sa Bahay ni Kuya.
Katunayan, nag-react ang mudra ni Andi na si Jaclyn Jose sa naging rebelasyon ni Albie tungkol sa kanyang unica hija na kinundena nito ang pagbuhay ng lumang isyu sa dalawa.
Tinawag din nito ang atensyon ng Star Magic head na Laurenti Dyogi na huwag gamitin o i-spare ang anak kung hangad lang nitong mag-rate ang show.
Matatandaang sa panayam na iyon, nabanggit ni Albie na natutuwa siya dahil super fat na raw ang dating nakarelasyon.
May hirit din siyang never nag-apologize sa kanya si Andi dahil sa pagtuturo sa kanya bilang biological father umano ni Ellie na sa huli ay napatunayan palang si Jake Ejercito ang ama.
Pinag-usapan din ang buwelta ng kapatid ni Andi na si Stevie na naka-screengrab ang kanilang naging usapan before.
Sa palitan ng kanilang mga mensahe, lumalabas na nagkapatawaran na sila at
walang ill feelings si Albie kay Andi.
Sa kanya namang IG, tahimik naman ang resbak ni Andi kay Albie sa pagpo-post ng kanyang leaner body para patunayang hindi siya super fat.
Ngayong evicted na ang aktor sa PBB season 10, may kibitzers na nagsasabing na-jinx daw ito dahil sa negang rebelasyon nito.
Hindi rin daw nakatulong ang pagiging pasaway nito sa Bahay ni Kuya.
Dahil sa kanyang naging kapalaran, nabigo raw mapag-usapan ang isyu sa kanila ni Andi once and for all.
Hati naman ang opinyon ng iba, dahil naniniwala silang muling mabubuhay ang isyu sa kanila ni Andi lalo pa’t nakalabas na siya ng PBB house at may layang magsalita sa isyu ng buwelta ng kampo ni Andi.
Abangers din ang mga marites at mosang sa magiging depensa ni Albie sa buwelta ng kampo ni Andi.