Advertisers
TAMA si Pangulong Digong na palamunin ng mura ang kasalukuyan nating mga internet providers na may ilang dekada ng nangwawalanghiya sa mamamayang Pilipino.
Isa na nga dito ang Globe na pinangalanan mismo ni Pangulong Duterte na humihigop ng dugo ng mga kaawa-awang kostomer nito.
This is the only language the Ayalas knew.
Ang nagmamay-ari ng Globe!
Ang total asset ng Globe ay ?339.77 billion para sa taong 2020 para sa kaalaman ng publiko.
Walang puso at compassion sa kanilang mga kanilang mga kliyente, kahit sa panahon ng pandemya ay walang patumanggang nagpuputol ng serbisyo sa kabila ng pakiusap mismo ng gobyerno.
Ngayong araw na ito, tunghayan natin ang isang legit na reklamo ng isang Globe subscriber na may mahigit isang taon nang tumatangkilik sa bulok na kumpanya.
Tunghayaan po natin…
“Putsa pre masyadong pahirap sa mga kagaya kong globe user, nag-apply ako ng Globe At Home dahil sa sinasabing may libreng landline at may 10mbps ka sa loob ng isang buwan.
Sulit at sapat na kung ikaw ay mag-i- internet or pang-online classes ng anak mo.
Ang problema ito, ‘nung una, ang tanging binabayaran lamang namin sa Globe ay Php 799 dahil sa promo nga ito nang nakuha at pinakabit namin sa bahay.
Ito ‘yung Globe At Home na sinasabi pero makalipas ang isang taon ay bigla na lamang nagtaas ang singil ng Globe na nagkakahalaga na Php1,398 na halos doble sa presyo nung unang binabayaran namin.
Nang aking tanungin sa Globe kung anong dahilan bakit ganun na ang aking bayarin kada buwan at sabay reklamo na rin ako na bakit bigla nawawalan kami ng internet bago dumating ang due date ko sa bayarin,gayung nagbabayad naman ako on time minsan nga advance pa sa due date?
Unang sagot sa akin ng Globe, kaya daw di-umano tumaas ang aking bayarin ay dahil may “charge” na daw po ang telepono o landline na sinasabi sa akin nung una na libre.
Paliwanag ng Globe staff, kasi tapos na daw ang promo.
Bakit hindi kami naabisuhan at mukhang sinadyang di kami inform na may time duration pala ang promo ng libre ang landline?
Pangalawa, ang sagot n’ya naman sa bakit ako napuputulan kahit na in- advance pa sa tinakdang araw ako magbayad… ang sinisisi naman ng staff ay ang system generated system nila na kapag wala sa tinakdang araw ka magbayad ay maaaring ma-cut ang line.
Kaya ang payo ng Globe, mas mainam na magbayad sa itinakdang araw.
Ganun daw talaga karamihan ang nagiging problema nila kung delay or advance kang magbayad.
Por Diyos por Santo naman po, wala ka palang paglalagyan kahit na nagbabayad ka ng maayos.
Ang gusto nila ang dapat sundin mo.
So, nagpasya ako na ipaputol na lang ang linya ng “Globe At Home” ko dahil nga maging ang pag aaral ng aking anak ay apektado na rin kapag papalapit na ang tinakdang araw ng bayaran dahil nawawalan ng signal.
Ganung hindi ka din naman puwedng mag-advance.
Ang sistema sa pagpapa-cancel o pagterminate ng linya ay kailangan pang gumawa ka ng “request for termination” at i-schedule ka pa nila para kumpirmahin kung totoong pina-terminate mo nga ang iyong linya.
Matapos kang maghintay ng mahigit kalahating buwan,tsaka pa lang magre-response sa request mo ang Globe.
Ang siste, kahit na pinapuputol mo na, mukhang tumatakbo pa rin ang araw na dapat mong bayaran.
‘Nung makausap ko ang operator para sa request of cancellation ko, nagberipika sa mga personal na impormasyon ay agad naman akong tumugon.
Pero ‘nung tanungin ako tungkol sa ‘Plan” na inaplayan ko, siyempre ang isasagot ko eh ‘yung base sa alam kong binabayaran ko na nung una na Php 799 at bigla naging Php1,398.
So ang sagot ko ay di ko alam kung anong “plan” ako nakapasok.
Wala naman daw problema ayon sa nakausap ko pero nung binerify nya ang aking email address ng aking ibinigay ay mali daw ang information sa email ko na binigay ko kaya hindi daw nila pwede I process yung termination na request ko pinababalik ako ng globe para makuha ang detalye ng aking account.
Kaya ang tanong ko sa operator ay paanong sa email address ko pa na ibinigay ako magkakaproblema gayung dun lang ako nakakatanggap ng email mula sa globe tungkol sa aking mga bayarin?
Inulit ko ulit ang aking email at sinabi nga na hindi compatible sa account ko ang aking email ,isang panibagong pahirap na naman ang gagawin sa’yo, magrerequest ka ulit ng panibago at maghihintay ka na naman ng tawag mula sa Globe para sa request mo kahit na sukang suka ka nang ipaputol ito dahil nga sa bagal ng internetsignal at wala pa sa tinakdang araw ay pinuputulan ka na ng linya.
Magbabayad ka na naman ng labag sayong kalooban dahil nagbabayad ka ng tama pero ang serbisyo nila ay hindi tama.
Nang balikan ko ang sinesend nilang billing statement sa akin ay na kita ko na ang nakalagay sa akin ay plan1299 na gayung ang alam ko lang, simula ng ako ay magpakabit sa kanila ay Php 799 lang!.
Base sa sinend nila sa aking email na bill ko at Php1,299 plus Php 149 na tax kaya Php1,398 ang aking naging monthly bill.
Ngayon tanong ko ulit kayo na po ang humusga paanong nangyaring
Mali ang email address ko gaya ng sinasabi ng operator gayung dun sila nagpa padala ng mga billing ko.
Isa lang bang stratehiya ito upang maasar ka para tanggapin mo na lang na magbayad ka sa kanila buwan buwan at hindi mo na maipaputol kesa sa abalang ginagawa nila?
O isa itong delaying tactics para magbayad ka lang ulit?
Harap-harapang “holdap” ang ginagawa nito sa mga consumer ng Globe At Home.
Kaya siguro marami ang natatauhan at lumilipat ng ng ibang internet provider ang mga users nila dahil sa mabilis at magaling lang sa singilan pero mabagal at mahina ang signal na kanilang binibigay”!
Magsilbing lesson at babala na rin ito sa mga subscribers ng bulok na kumpanyang GLOBE na saan mo man silipin ay “one-sided’ deal lamang ito na laging pabor sa
Kastilaloy na Ayalas.
Kaya sadyang walang malasakit sa mga Pilipino ang dayo at iskuwater lamang sa ating inang bayan.
Boycott GLOBE!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
Ugaliin rin makinig at sumubaybay sa REALIDAD Online. Monday to Friday 4pm to 5pm over Elizalde Broadcasting.