Advertisers

Advertisers

Di lang pala si Paulo… Julie Anne sabit din sa hiwalayang Rayver at Janine

0 362

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

BAGO pa man pumutok ang balitang naghiwalay na ang magsyotang Rayver Cruz at Janine Gutierrez, nakahilera na talaga si Rayver na maging isa sa special guest ni Julie Anne San Jose sa part 2 ng “Limitless 2: Heal”.
Kung ang “Limitless Part 1: Breathe”, sa mga bunduking area ng Mindanao sila nagpunta, ngayon ay sa mga karagatan naman ng Visayas sila nag-ikot.
At mapapanood ang “Limitless 2: Heal” simula ngayong Nov. 20. Tsikang personal choice raw ni Julie na maging guest si Rayver.
“Actually, hindi lang ako, hindi lang kami, ’yung buong team. Napag-usapan naman din po ’yun and we all agreed and thankful din naman kami kasi he said yes,” say ni Julie Ann.
Sa halos dalawang show na magkasama sina Julie Anne at Rayver sa GMA7, ang “All Out Sunday” at “The Clash Season 4” ay kapansin-pansin na relax sila pareho sa isa’t isa. Marami rin namang kinikilig sa tambalan nilang dalawa kahit pa alam ng masa na magsyota pa noon sina Rayver at Janine.
“Comfortable lang talaga kami sa isa’t isa and ’yun naman talaga ang isa sa factors para magkaroon ng chemistry ang isang team-up. Ako kasi to make a team-up work, chemistry is very important. And I am also thankful to Rayver din kasi ano siya, e, he’s such a good sport.
“And we’ve always been like really comfortable with each other, ever since and we’ve been very good, close friends. At ’yung comfortability, napaka-importante rin niyan kasi, nagre-reflect din ’yan sa trabaho. And how we execute kung ano man ang ipapagawa sa amin,” dagdag pang say ni Julie Anne.
Dahil sa closeness nina Julie Anne at Rayver on and off cam, di kaya makaladkad ang namesung ni Julie Anne bilang third party sa hiwalayang Janine at Rayver? Your guess is as good as mine.
***
STAR STUDDED EVENT NG INTELE
Naging matagumpay ang katatapos lang na Grand 35th Anniversary celebration ng Intele Builders and Development Corporation na may temang “Years of Quality Service in the Telecommunications Industry” na pag aari ng napakabait at very generous na sina Mr & Mrs. Pedro Bravo and Ma. Cecilia Bravo kasama ang kanilang mga anak na sina Jeru, Maricris, Miguel at Matthew Bravo na ginanap sa Gazebo Royale sa may Visayas Ave., Quezon City.
Ang mga nagsilbing hosts ay sina John Nite, Ms Saigon Ima Castro, X-Factor UK contender Sephy Francisco and Brgy. LSFM 97.1 DJ Janna Chu Chu.
Guest speaker ang presidential candidate at incumbent Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso na pinagkalooban din ng Plaque of Appreciation.
Guest performers naman sina Katrina Velarde, Daryl Ong, Dea Formilleza, Bravo’s Angels at Showboyz.
Dumalo din ang Globe executives headed by Mr Efren “Boss E” Muñoz, Mr. Jojo Tulay, Mr. Sherwin Navarro and Mr. Gary Partosa.
Kasabay ng anibersaryo ng Intele ang pagbibigay ng parangal sa mga suppliers, banks at partners ng naturang kompanya. Naging highlight din ng gabing iyon ang pagbibigay parangal at insentibo sa mga tauhan ng Intele na nagpakita ng dedikasyon, sipag, malasakit at loyalty sa kumpanya.