Advertisers

Advertisers

LUNAS Party-list, bagong boses sa Kongreso

0 924

Advertisers

KABILANG sa mga nagsumite ng certificate of candidacy (COC) sa hanay ng party-list ang LUNAS o Lungsod Asenso, Inc., kamakailan sa Commission on Election (Comelec).

Ang LUNAS party-list ay naglalayon na maging boses sa Kongreso ng iba’t ibang sektor lalo na ng mga local government units upang siguraduhing mapondohan at palawigin ang magagandang programa ng bawat siyudad, probinsya, munisipyo at mga barangay.

Bukod dito, pinahayag din ng nasabing party-list ang pagpupursige sa mga bagong batas na makakatulong sa bawat mamamayan. Ayon din dito, asahan ang kanilang tuloy-tuloy na serbisyo publiko saan mang panig ng bansa.



Makikita ang larawan ang ilan sa volunteers nito na handang-handa nang maging kasangkapan upang makatulong sa bansa.