Advertisers
IDINAGDAG ng Choco Mucho sa kanilang pangkat si middle blocker Cherry Nunag bago magbukas ang bagong Premier Volleyball League season.
Nunag, isa sa top scorers ng Perlas sa 2021 PVL Open Conference nakaraang Agosto, ay umanib sa Choco Mucho Miyerkules, isang araw matapos tinanggap ng Flying Titans ang setter Jem Ferrer.
Idinagdag ng Flying Titans ang 2019 PVL second-best middle blocker, habang si Maddie Madayag ay nagpapagaling sa ACL injury na kanyang natamo sa nakaraang conference.
Naging bahagi rin si Nunag ng Petro Gazz Team na nagkampeon sa 2019 Reinforced Conference.
Papalakasin ng 5-foot-11 Nunag ang Choco Mucho frontline na pinamumunuan nina Bea De Leon at Kat Tolentino.
Ang Flying Titans ay fourth place sa PVL’s first professional tournament, naipanalo ang pito sa kanilang siyam na laban bago natalo sa eventual champion Cherry Tiggo sa semis at Petro Gazz sa battle for third.
Puntirya ng PVL na buksan ang kanilang 2022 season na Open Conference sa Pebrero at ibalik ang import- flavored Reinforced Conference sa October.