Advertisers

Advertisers

P10K ayuda ni Cayetano nakahanap ng kakampi sa Senado, ayos!

0 419

Advertisers

HINDI man pinakinggan sa Kamara, tuloy-tuloy parin ang buhos ng P10K ayuda sa mga indibidwal mula sa iba’t ibang secktor ng lipunan na pilit na bumabangon mula sa pagkagupo dahil sa COVID-19.

Umaabot na sa 13,531 ang nakatanggap ng P10K ayuda mula sa ‘Sampung Libong Pag-asa Program’ na inilunsad ni dating Speaker Alan Peter Cayetano at ng kanyang mga kaalyadong kongresista na ‘BTS’ o Balik sa Tamang Serbisyo sa kongreso bilang pang-ahon ng ating mga kababayan na lubhang nahirapan dahil sa pandemya.

Maraming lugar na sa Pilipinas ang narating ng P10K ayuda mula nang pasimulan ito noong May 2021 kabilang na rito ang mga lalawigan sa Northern Luzon, Cordillera, Central Luzon, National Capital Region, Calabarzon, Kabiculan, Panay Island, Samar at Leyte, Cebu, at mga lugar sa Mindanao gaya ng Davao, Zamboanga, General Santos, Cagayan De Oro at marami pang iba.



Maliban kasi sa pagtulong ng mga Local Government Unit sa pagpili ng benepisyaryong talagang nangangailangann sa kanilang lugar, pumipili rin ng mga maswerteng benepisyaryo si Caye-tano mula sa libo-libong netizens na nagkokomento sa kanyang FB account habang umiere ang Sampung Libong Pag-asa sa FB live.

Samu’t sari narin ang mga benepisyaryo ng Sampung Libong Pag-asa kabilang na ang OFW’s, senior citizens, mga nawalan ng trabaho at hanapbuhay, mga kasambahay, guro, ambulant vendors, at BHW’s. Kasama rin sa mga benepisyaryo ang maraming displaced tourism workers, mananahi, indigents, mga tsuper, waiters, mga promodisers, maging mga entertainers at mga komedyante at marami pang iba.

Inihain noong Pebrero sa kamara nina Cayetano ang P10K Ayuda Bill para makabangon ang mga nabiktima ng COVID-19 ngunit hindi ito binigyan ng importansya ng talakayin ng kamara ang Bayanihan 3. Pero hindi tumitigil ang dating speaker sa kanyang layunin na mabigyan ng P10K ayuda ang lahat ng ating mga kababayan. Hindi hinintay ni Cayetano na lumusot sa kongreso ang P10K Ayuda Bill bagkus gumawa sya ng paraan at nangalap ng donasyon para mabigayan ng P10K ayuda ang libo-libo na-ting kababayan.

Paulit-ulit na sinasabi ni Cayetano na sa P500B na dagdag sa 2022 national budget, P200B dito ay sapat na para mabigyan ng P10K ayuda ang lahat ng mga Pilipino. Alam naman natin na mahaba-habang istorya pa ang ating bubunuin upang makabawi at makabangon sa epekto ng COVID-19.

Sa ngayon, fluctuating ang itinatakbo ng COVID-19 cases ‘di lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Kaya, hindi nasisi-guro ang tuluyang pagbubukas ng ekonomiya dahil hindi pa tapos ang banta ng COVID-19 sa buong mundo.



Kaya naman maituturing na sinag ng pag-asa para kay Caye-tano ang ginawang commitment ni Sen. Joel Villanueva na isusulong din n’ya sa senado ang P10K Ayuda Bill bilang suporta sa Sampung Libong Pag-asa Program ng dating speaker. Sa ngayon, nakakuha na ng suporta ang P10K Ayuda mula sa ibang mambabatas dahil napatunayang epektibo ang naturang stimulus program sa mga pinahirapan ng COVID-19.

Maliban sa 13, 531 P10K ayuda beneficiaries, umaabot narin sa 6,000 sari-sari stores sa buong bansa ang nabigyan ng P3,500 na dagdag puhunan sa ilalim ng Sari-Saring Pag-asa Program ni Cayetano para maipagpatuloy ang kanilang kabuhayan. Suma tutal, aabot na ng 20,000 ang nakinabang sa naturang mga programa ng dating speaker. ‘Yan si Mr. Bayanihan! Mabuhay!!!

Oo nga pala, si Cayetano ay kandidato ngayong Senador. At base sa huling survey ng SWS, siya’y pumapangatlo sa magic 12. Nangunguna ang broadcast journalist na si Raffy Tulfo.