Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
TATLONG magkaka sunod ang pinost ni Rabiya Mateo sa kanyang 25th birthday post.
“Cheers to 25 years of living, hustling and tripping over life,” unang post niya.
“Thanks to all of you who greeted and remembered me on my special day. Massive hugs and kisses to all,” patuloy niya.
“Sey it with me, “ A woman can be whoever she wants to be.”
“An hour before my birthday ends, I just want to let you know, how grateful I am to be reminded that I am loved by many. It`s overflowing feeling of joy.
“I love you all and good night,” say pa ni Rabiya.
Iba‘t iba ang concept ng pictorial ng former beauty queen na isa nang ganap na Kapuso star.
Ang sabi ay kumpirmado na siyang kasama sa Book 2 ng Agimat Ng Agila ni Senator Bong Revilla.
Bukod sa Agimat ng Agila ay balita ring itatambal siya kay Alden Richards ng Kapuso Network. So, dalawa na sila ni Bea Alonzo ang naghihintay kay Alden?
Reaction lang ng ilang netizens na sana raw ay napaayos nang maganda ang pagkaka-retoke ng dibdib ni Rabiya at hindi yung mukha itong matigas na bato na nakapatong sa dibdib ng former beauty queen.
***
BAWAL sa Manila ang Lacson-Sotto face mask.
Hindi nagustuhan ng magka-tandem sa 2022 election na sina Sen. Ping Lacson at Senate President Tito Sotto sa umano‘y pangha-harass ng mga pulis-Maynila sa mga nakasuot ng Lacson-Sotto face mask.
Sa balita ng ABS-CBN ay tinanong ni Sen Lacson kung bakit ang ipinamigay nilang face mask ay pinatatanggal sa Manila.
“The members of the Manila Police Department, they are harassing the tricycle drivers, they are harrasing people wearing yung giveaway face masks. May mali ba doon?” pahayag ni Sen Lacson.
Sa impormasyong nakarating kay Lacson ay kung hindi raw ipinababaligtad ay pinatatanggal daw ng pulis Maynila ang mga ipinamigay na Lacson-Sotto face masks.
Kaagad naman itinanggi ng Presidential candidates din sa 2022 election na si Manila Mayor Isko Moreno na mayroon siyang ipinag-utos sa Lacson-Sotto face masks.
“That I don`t know. Hindi kasi ako chismoso. There is no such thing. Hindi ko nga alam na may ganu`n As far as I`m concerned, lahat kayo, welcome sa Manila. This is democracy and let the people know their candidates,” pahayag ni Mayor Isko.