Advertisers
ITATAMPOK sa PHLPOST commemorative stamps sina Bowling sensation PAENG NEPOMUCENO, Billiard/Pool king EFREN “BATA’ REYES,Chess Grandmaster EUGENE TORRE at Fil-Am NBA cager JORDAN CLARKSON.
Being a world renowned Filipino is both an honor and privilege. We know it’s not easy because it’s a great responsibilityto carry our flag wherever they go,” ani Postmaster General NORMANFULGENCIO.
For the record, si PAENG ay 5-time Bowling World CupChampion na nasa GUINESS BOOK OF WORLD RECORDS. si ‘BATA’ , 3-timeWorld Cup Poll titlist/World’s Greatest Pool Player of All Time, at siTORRE, Asia’s First Chess Grandmaster, 1969 World Junior ChessChampion.
Ten Filipino living legends silang itatampok sa PHLPOST75TH Anniversary kasama sina singer/actress/thespian (stage artist)LEA SALONGA, ComputerTechnology/Innovation icon DADO BANATAO. Artisanand Creative entrepreneur/furniture designer KENNETH COBONPUE, top fashion designer MONIQUE LHUILLIER, Filipino Mascot icon JOLLIBEE, atfashion sensation JOSIE NATORI.
Una rito, inilunsad ng Manila Central Post Office siPBA/Basketball Living Legend/former Senator ROBERT JAWORSKI sa Liwasang Bonifacio sa Maynila, bahagi ng postage series tampok ang piling outstanding Filipinos na nagtatak ng husay sa local at international stage, kasunod ang launch kay first ever Olympian gold medalist HIDILYN FRANCISCO DIAZ sa temang ‘PAGPUPUGAY SA MGA ALAMAT” bilang inspirasyon ng lahing Pinoy. KUDOS sa PHLPOST na una nang ibinilang sa stamp collection ang aking LOLO SARO aka LAZARO FRANCISCO, National Artist for Literature/Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikang Pilipino. Maraming salamat po!
PBA TIDBITS
Nai-trade na rin si ALEX CABAGNOT ng BEERMEN sa TERRA FIRMAkapalit ni SIMON ENCISO. Nauna sa trading sina ARWIND ‘Spiderman”SANTOS sa NORTHPORT BATANG PIER kapalit ni VIC MANUEL. Sa bagongbalasahan matapos malaglag ang SAN MIGUEL BEER sa nagdaang PHILIPPINECUP, uusad kaya kung si Coach LEO AUSTRIA pa rin ang nasa timon, na ayon sa observers ay kulang sa paikot ng players? Di pala younger player ang ipinalit kay Spiderman. Tsk tsk. Galit ang fans dahil yun pinakamatitinik daw ang itinitrade. Teka lang, may higing na sasaluhin ng GINEBRA si ARWIND dahil swak ito sa kailangan ni Coach TIM CONE.
Well, aabangan pa lang po!
May offer pala kay TERRENCE ROMEO. Target ng mga koponan sa BLEAGUE ang dating FEU TAMARAW pride sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP). Around $55,000 (Php2.75M) per month ang salary cap huh! Aba, with matching free housing and foods at bound to double sa second year. E may sitsit din na kasama si TERRENCE sa trading list. Hanggang October 2022 pa ang bisa ng contract niya sa SMC.
Meanwhile, malabong magbukas ang Season 46 PBA GOVERNOR’sCUP sa target date na November 28. Sana nga ay posible na sa nexttarget, December 5. Tatlong import pa lang kasi ang nandito sa Pinas.Umaasa si Kume WILLIE MARCIAL na makararating na hanggang November 25ang lahat ng import para makapagsimula ng practice ang PBA teams.
HAPPY READING!