Advertisers
Matagal kong pinag-isipan, inanalisa at pinagtimbang-timbang ang mga datos na ulat mula sa iba’t ibang KAGAWARANG PANGKALUSUGAN.., pero maliwanag pa sa sikat ng araw at sa repleksiyon ng mga ulong-kalbo.., hindi pala maituturing na PANDEMIC ang COVID-19.., dahil minimal lang ang naaapektuhan kumpara sa ibang mga sakit.
Pero.., bakit ikinintal ng ating mga HEALTH OFFICIAL sa kaisipan ng sambayanan na ang COVID-19 ay peligrong sakit na kinakailangang magpabakuna ang lahat para magkaroon ng proteksiyon laban sa sinasabing COVID-19 at mga VARIANT?
Hindi kaya maniobrasyon ito ng BIG VACCINE MANUFACTURERS na kinasapakat pa ang lahat ng GOVERNMENT OFFICIALS sa buong mundo, para sa kanilang interes na pagkakitaan ang lahat ng mamamayan at hindi ang pinalalabas nilang concern daw sila sa kalusugan ng mamamayan?
Sa ating bansa, nitong taong 2020 ay may 613,035 tala ng mga namatay na ang TOP 3 sa mga naging sanhi ng mga pagkamatay ay 1) HEART DISEASE – 20.46%; 2) CANCER – 10.8%; 3) STROKE, ANEURYSM at iba pang kauri – 10.5%…, na ang COVID-19 ay nasa ika-12 listahan sa kadahilanan ng mga pagkamatay na may kabuuang 9,300 registered deaths o katumbas ng 1.52% lamang. Nililinlang ba ang kaisipan ng sambayanan para paniwalaing PANDEMYA ang COVID-19?
Mga ka-ARYA.., ang mga datos ang dapat pagbasehan ng mamamayan at makikitang kontra o taliwas sa pinalalabas ng ating mga HEALTH OFFICIAL na ang COVID-19 ay PANDEMIC.., gayong minimal lamang pala ito kumpara sa bilang ng mga namamatay sa SAKIT SA PUSO. Bakit nga ba iminomolde sa kaisipan ng sambayanan na napakadelikado ang COVID-19 at tinatakot o halos pinupuwersa pa.ang mamamayan na kailangang magpabakuna? Negosyo ba at komisyong makakamit sa mga kagawaran para sa puspusang kampanyang pagpapabakuna?
Tulad na lamang ngayon.., na tila binabangungot si METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY (MMDA) CHAIRMAN BENHUR ABALOS JR. sa panawagan nitong ipairal ng mga MALL OWNER ang MANDATORY VACCINATION CARDS sa lahat ng mga papasok sa kanilang establisimiyento.., gayong wala namang sapat na pambakuna para sa lahat ng mamamayan.
Ang sistemang ito ay pamumuwersa sa lahat ng mamamayan na magpabakuna ang lahat..,, upang huwag masayang ang mga biniling COVID VACCINE.., na pilit pinalalabas na napakadelikadong sakit ang COVID. Umaarya sa paglilihis ng mga datos ang ating mga opisyal para maengganyong magpabakuna ang mga tao.., gayong sa tunay na sitwasyon ay nasa ika-12 sa listahan ang COVID sa nagiging sanhi ng kamatayan.
Ang masaklap.., lahat ng mga nagpabakuna ay nakintal sa kanilang kaisipan na protektado na sila sa virus.., sinunod ang bilin ng DEPARTMENT OF HEALTH na kumpletuhin ang 2 sesyon ng pagpapabakuna..,, subalit, nagitla na lamang ang karamihan dahil ilang buwan lang pala ang epekto ng bakuna at kailangan ang panibagong pagpapabakuna para huwag tuluyang bumagsak o.manghina ang resistensiya ng katawan.., lumalabas na ang mga nagpabakuna ay alipin na sila ng bakuna at kailangang magpabakuna…, magpabakuna para mapanatili ang resistensiya ng katawan laban sa pinalalabas na napaka-delikadong virus…, yun naman pala, minimal lang ito kumpara sa ibang mga sakit na nagiging sanhi sa pagkamatay ng mga tao.
Sa punto ng ARYA.., huwag puwersahin ang mamamayan sa pagpapabakuna at huwag pagkaitan ng benepisyo ang mga ayaw magpabakuna sa paniwalang may taglay na silang malakas na natural body immune system!
Higit sa lahat na dapat mangyari.., TIGILAN NA ANG PANDEMYANG KURAPSIYON!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.