Advertisers

Advertisers

Face-to-face classes ng Nursing at PT courses sa UDM, magsisimula na – Isko

0 282

Advertisers

TUWANG-TUWA na inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno na ang city-run na Universidad de Manila/UDM (dating City College of Manila), na nagbibigay ng libreng edukasyon sa kolehiyo para sa mga mahihirap pero deserving na mag-aaral ay pinayagan na para magsagawa ng face-to-face classes para sa mga kursong Nursing and Physical Therapy.

Binati ni Moreno si UDM President Felma Carlos-Tria matapos na pumasa sa inspection na ginawa ng Commission on Higher Education (CHED) noong Wednesday, November 17.

Ang face-to-face classes, ayon kay Moreno ay nagsimula nitong Huwebes,November 18, at tiniyak ng alkalde na ang kalidad ng edukasyong ay makukuha ng mga estudyante nang hindi sinasakripisyo ang kalusugan ng mga ito.



“We look forward to welcoming our Nursing and PT students back to a safe campus. Although these are the first two courses that will go on limited face to face, we are already preparing the facilities for our other programs as well,” sabi ni Tria.

“All our efforts are geared towards giving quality education in a safe and conducive environment,” dagdag pa nito.

Mahigpit ang bilin ni Moreno kay Tria na siguraduhing masusunod ang safety measures sa campus, upang pawiin ang pag-aalala ng mga magulang at maging ng mga mag-aaral mismo.

Ayon sa alkalde na tumatakbo rin bilang presidente sa ilalim ng Aksyon Demokratiko, na iniulat sa kanya ni Tria na lahat ng full-time employees ng UDM ay pawang mga fully vaccinated na kontra COVID-19.

Mahigpit din nakikipag-coordinate sa Manila Health Department at Department of Health ang UDM upang tiyakin ang proteksyon ng mga mag-aaral sa unibersidad.



“We have gone beyond the minimum requirements to ensure a safe campus for our students,” sabi ni Tria sa alkalde.

Nabatid na ang ginawang face-to-face classes nitong Huwebes ay return demo pa lang kung saan limitado pa ang bilang ng mga estudyante. Sa isamg linggo ay may 40 na mag-aaral na ang papasok para sa simula ng kanilang face-to-face classes. (ANDI GARCIA)