Advertisers
NAGTALA ng triple-double performance si Jimmy Butler sa kanyang pagbalik mula sa sprained right ankle, upang pamunuan ang opensiba ng Miami Heat kontra New Orleans, 113-98, sa FTX Arena.
Kumamada si Butler ng 31 points, 10 rebounds at 10 assists para mapaganda pa ang record ng Heat sa 10-5.
Ito ay kabila na hindi naglaro sa Miami ang starters na sina Bam Adebayo (bruised left knee) at Kyle Lowry (rest).
Inabot naman ng tatlong games na hindi nakalaro si Butler.
Samantala nag-ambag naman si Tyler Herro ng 19 points habang si Max Strus ay may 15 points.
Sa kampo ng Pelicans ay nabaliwala ang ginawa nina Nickeil Alexander-Walker na nagpakita ng 24 points at Brandon Ingram na nagdagdag ng 19 points para mangulelat pa sa 2-14 kartada ngayong bagong NBA season.