Advertisers

Advertisers

Retired PNP Chief Gen. Eleazar ikinatuwa ng mamamayan sa pagtakbo bilang senador!

0 502

Advertisers

HINDI lang ang mga Ka Usapang HAUZ ang natuwa nang malaman nating tatakbo sa pagkasenador si retired PNP chief Gen. Guillermo ‘Guillor’ Eleazar kundi ang buong mamamayan.

Alam kasi nilang kayang-kaya ni Eleazar ang trabaho bilang senador. Kumpara nga sa ilang mambabatas ngayon, puro pa-pogi ang mga ito dahil ang bukod tanging talent nila ay sobrang lakas nila kay President Duterte.

Pero kung dunong, talino at galing, walang-wala sila sa kalingkingan ni Eleazar “Naman” sabi ng Usapang HAUZ.



Ang pagtakbo ni Eleazar ay unang inihayag nina presidential aspirant Senador Ping Lacson at vice-presidential bet Senate President Tito Sotto dahil kasama sa tiket si Guilor.

Kahit ang mga kasamahan natin sa media ay positibo ang tugon sa pagtakbo ni Eleazar. Ang nakatutuwa pa, marami nang sektor ng lipunan ang nagpahayag ng suporta kay Guillor.

Tulad ng Usapang HAUZ naniniwala sila sa galing, husay, sipag, tapang, talino at pagiging tapat sa bayan ng opisyal na malaking bagay ito para mapabuti ang bansa.

Reporma sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isa sa prayoridad na gawin ni Eleazar sakaling manalo ito bilang senador.

Bilang dating alagad ng batas, alam nitong marami pang dapat baguhin at paunlarin sa larangan ng law enforcement. Ang kanilang pangangailangan sa trabaho, personal at kahit para sa kanilang pamilya.



Batid nito ang kahinaan ng Justice system sa bansa na isa rin sa nagpapababa ng moral para sa ating mga tagapagpatupad ng batas.

Importante rin para kay Guilor ang pagpapaigting sa ‘internal cleansing,’ hindi lamang sa mga pulis at
militar, kundi pati na rin sa lahat ng government employees na lapitin sa anumang uri ng korapsiyon.

Ang maganda kay Guillor, napatunayan nito bilang PNP officials ang pagpapaigting ng polisiya na ang ‘Tama ay tama at mali ay mali.’ Sabi pa nga niya: ‘Kapag walang peace and order, walang asensong aasahan ang bansa.”

Sa isang pahayag, sinabi ni Ping na nagtagumpay si Guillor bilang PNP chief. Sa lahat aniya ng naging Top Cop ng bansa, aminado ang senador na baka mas magaling pa ito kaysa sa kanya.

“Ngayon ko lang na-realize na six months lang pala siya and in the six months period na nagsilbi siya, ang daming nangyari sa PNP. He is a performer,”.

Bilang brod sa Mason fraternity, ipinagmamalaki rin ni SP Sotto si Guillor. “Kailangan siya ng bayan at kailangan natin siya na maging senador ng bayan!”

***

Para sa inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 0935-2916036