Advertisers

Advertisers

Si Inday Sara lang ang sakalam

0 291

Advertisers

NITONG Miyerkoles ng gabi, pinatawag ni Pangulong Rody Duterte ang kanyang mga kaalyadong kongresista para maghapunan sa Malakanyang. Sarap!

Sa 100 inimbitahan, 95 ang dumating, sabi ni Congressman Michael Aglipay.

Sa dinner na ito, hiniling ni Pangulon Duterte sa mga dumalong kongresista na suportahan ang kandidatura ni Senador Bong Go para sa pagka-pangulo at ang kanyang mahal na anak na si “Inday” Sara Duterte-Carpio para Bise.



Pero si Sara ay Bise ni Bongbong Marcos.

Oo! Nitong Huwebes ay inanunsyo ni Marcos na sila ni Sara ang opisyal na magka-tandem. Paano ba ito?

Kung sabagay wala namang running mate si Bong Go. Open siya sa Bise. Pero masyadong halata na ito’y nakalaan kay Sara. Hehehe…

Dahil si Sara ang dala nina Bong Go at Marcos, alam na this. Si Sara lang ang sakalam.

Ang may malaking problema ay sina Bong Go at Marcos.



Tiyak na ang mga DDS ay susunod sa mando ni Duterte. Bong Go sila. Pramis!

At ang mga BBM ay kay Marcos lang din. Mismo!

Kapag hindi nagbago ang ihip ng hangin, malamang parehong sa basurahan sila pupulutin sa Mayo 9, 2022. Peks man!

Sakali namang makansela o ma-disqualify si Marcos sa kanyang kandidatura, “50-50” na susuporta ang mga BBM kay Bong Go. Dahil siguradong mabubuwisit ang mga ito. Baka si Isko o Lacson nalang ang iboto nila. Hehehe…

Nitong Huwebes, nabigo si Marcos na makasagot sa petisyon laban sa kanyang kandidatura. Ang batikang abogado na si Estelito Mendoza ang sumipot sa Comelec. Humirit ng another 5 days si Mendoza para bigyan ng katuwiran ang kandidatura ni Marcos, na hindi ito dapat eetsapuera sa ‘22 Eleksyon.

Si Mendoza ang naging abogado nina Senador Bong Revilla at ex-President Gloria M. Arroyo nang mapawalang-sala ang mga ito sa kasong Plunder.

Si Mendoza rin ang abogado ni dating Senate President Juan Ponce Enrile nang payagan itong makapagpiyansa sa kasong Plunder kaugnay sa PDAF scam tulad ng kay Sen. Revilla.

Pinababalik lang ng graft court kay Revilla ang higit P100 million na “nakupit” nila sa kanyang PDAF.

Samantalang si Enrile ay pinagpiyansa dahil sa edad niya, higit 90 anyos na! 95 na yata ngayon. Tibay!

Ang isa pang dating Senador na nakakalaya sa piyansa ay si Jinggoy Estrada na kandidato uli ngayon. Yawa!

Paano kaya makumbinsi o anong katuwiran kaya ang igigiit ni Atty. Mendoza sa Comelec para ibasura ang ‘petition for cancellation’ laban sa kandidatura ni Marcos? ‘Yan ang ating aabangan…

Tandaan: Karamihan sa Comelec commissioners nga-yon ay mga taga-Davao, mga appointed ni Pres. Duterte. Wala lang. Hehehe…

***

Itong Intramuros Administration puros koleksyon lang ang ginagawa. Hindi manlang nito pinaaayos ang mga bako-bakong daan sa Intramutros. Tingnan nyo dyan sa harap ng BPI Bank, tapat ng ginagawang gusali papuntang Bureau of Immigration, ang lalaki ng lubak. Sasayad ang makina ng kotse kapag nalubak dito. Matagal na ito eh. Hindi ba ito napapansin ng mga taga-IA? Wala manlang bang nakapagbulong sa IA Administrator tungkol sa malalaking lubak na ito? Ipaayos nya naman ‘yan!!!