Advertisers
KUMAYOD si Tyrese Maxey ng 22 points, Seth Curry may 20 points, upang tulungan ang bisitang Philadelphia 76ers na idispatsa ang Denver Nuggets, 103-89, at tuldukan ang five- game losing streak sa Ball Arena kahapon.
Tobias Harris umiskor ng 17 points, habang sina Shake Milton at Charles Basey ay nag-ambag ng tig-12 puntos at Georges Niang bumakas ng 11 para sa short-handed Philadelphia.
Ang Sixers ay naglaro ng anim na sunod-sunod na walang Joel Embiid, Habang si Matisse Thybulle ay nakaupo ng seven games. Ang dalawang players ay nagpositibo sa COVID-19 kaya inilayo sa team.
Nikola Jokic umiskor ng 30 points at 10 rebounds, Will Barton nagdagdag ng 19 points at Monte Morris nagtapos ng 11 puntos para sa Nuggets.