Advertisers

Advertisers

Angeline ‘di isinasara ang posibilidad na pasukin ang pulitika

0 446

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

AMINADO ang Kapamilya singer na si Angeline Quinto na marami na ang lumapit sa kanya noon para hikayatin siyang pumalaot sa pulitika.

Katunayan, sa kanya raw distrito sa Sampaloc ay may nag-alok sa kanya na kumandidato sa 2022 national election bilang konsehal.



Pero tinanggihan daw niya ito dahil naniniwala siyang wala siyang sapat na karanasan at kaalaman sa pagpapatakbo ng kahit na pinakamaliit na unit ng gobyerno tulad ng barangay.

“To be honest, may mga nagtatanong sa akin, lalo na rito sa Sampaloc, pero tinanggihan ko… Ayoko kasing pumasok sa isang bagay na wala akong alam.  Ayoko naman ng ganun. Baka mamaya, ano lang ang gawin ko doon!” ani Angeline.

Pagbabahagi pa niya, noong buhay pa raw ang Mama Bob niya, humingi raw siya ng advice rito tungkol sa pagsuong sa politics.

Sey daw ng kanyang adoptive mother: “Sabi niya, ‘Napakaaga pa para gawin mo iyan. Bakit ka naman papasok sa pulitika kung busy ka sa trabaho mo. Unfair naman iyon sa constituents mo kung sakali dahil hindi mo maibibigay ang buong time mo.”

Gayunpaman, kahit daw hindi pa niya nakikita ang kahandaan niyang pumasok sa serbisyo publiko, hindi raw naman niya isinasara ang kanyang pinto sa posibilidad nito sa hinaharap.



“Naisip ko, kung iyon ang itatadhana sa akin ng Diyos, why not. Kung makakatulong ba sa mas maraming tao, bakit hindi. Pero kung sakali man, kailangan siyang paghandaan,” paliwanag niya.

Kamakailan lang ay pinag-usapan si Angeline nang aminin niya sa kanyang vlog na meron na siyang non-showbiz boyfriend na mas bata sa kanya na siyang inspirasyon niya ngayon.