Advertisers

Advertisers

Puslit na sibuyas idineklarang Chinese steamed bun, nakumpiska

0 337

Advertisers

KINUMPISKA ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC)-Port of Cagayan de Oro ang limang container na mga ismagel na pulang sibuyas mula sa bansang China sa isinagawa nilang inspeksyon sa MICTSI container yard.

Ayon sa BOC, ang mga nasabing kontrabando ay naka-consigned sa EMV Consumer Goods Trading at dumating nitong Nobyembre 13, 2021 sa Mindanao Container Terminal Sub-Port sa Tagoloan, Misamis Oriental, kungsaan idineklara ito na naglalaman ng “Mantou” o mas kilala na Chinese Steamed Bun.

Matapos makatanggap ang BOC ng impormasyon na naglalaman ito ng smuggled goods ay agad silang nagsagawa ng inspeksyon at isinailalim sa physical examination na nagresulta sa pagkakadiskubre ng mga nasabing “red onions” na nasa P14 milyon ang halaga.



Dahil dito, nag-isyu ng Warrant of Seizure and Detention ang BOC sa nasabing kargamento at ang pinagdalhan nito ay nahaharap sa paglabag sa probisyon ng RA 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act. (Jocelyn Domenden)