Advertisers

Advertisers

Rabiya bet maging kontrabida gaya ng idol na si Cherie; Carla at Tom game na magka-baby agad

0 250

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

PUMIRMA na ng kontrata bilang isang Kapuso si 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo at ayon sa kanya, ito ang hakbang tungo sa pangarap niya noong bata pa lamang siya na maging isang artista.

Kuwento ni Rabiya sa mediacon matapos ang contract signing niya sa GMA, umaarte siya sa harap ng salamin noong bata pa siya.



“Sabi nga ng mom ko, hindi yung bida yung ginagaya mo, mostly kontrabida.

“I did declamation… I also tried theater back in high school and college. I can’t believe I’m really doing this art as an actress as part of GMA,” very obvious na masayang kuwento ni Rabiya.

At dahil nais ni Rabiya na makilala at sumikat bilang isang kontrabida, hindi katakataka ang pangalang isinagot niya sa tanong kung sino ang idolo niya…  si Ms. Cherie Gil!

“I’m a fan of actresses na nandoon talaga ‘yung heart nila sa ginagawa nila and makikita mo talaga ‘yung burning passion in their eyes,” pahayag ni Rabiya.

“‘Yun ‘yung technically standard for me na kailangan kong ma-reach for me to consider myself as a great actress.”



Isang mabilis na “Yes!” din ang tugon ni Rabiya sa tanong kung handa ba siyang masampal sa eksena kung makakatrabaho si Cherie.

“Handa na ako!

“Magpapasampal ako, kahit ingudngod niya ako kung saan, okay lang.”

Nakatikim na raw siya ng sampal sa eksena nang gawin niya ang isang episode sa “Wish Ko Lang.”

“Ganon pala, ‘pag nasampal ka, numb ‘yung mukha mo pero kailangan mo pa rin mag-deliver ng lines,” ayon kay Rabiya.

Makakasama si Rabiya sa upcoming GMA series na “Agimat ng Agila” Book 2.

***

INIHAYAG ni Carla Abellana na handa na silang magka-baby ng mister niyang si Tom Rodriguez. Pero aminado ang aktres na nagulat siya noong una nang sabihin ni Tom na gawin na nila ito kaagad matapos ang kasal.

“Oo! Yes! Hello?! Oo naman, alam mo naman ‘yan!” sagot ni Carla sa “Mars Pa More” nang tanungin ni Tom kung totoo bang handa na siyang magka-baby.

“Bakit nagulat ka nung sinabi ko na ‘agad’ [after ng kasal]?” diretsong tanong naman ni Tom.

“Hindi! Alam mo naman ‘yan” natatawang sabi ni Carla.

“Okey ‘yan talagang ready na,” ayon pa sa aktres.

Kung si Carla ang papipiliin, gusto niya na dumaan sila sa normal na pagbubuntis kaysa surrogacy.

Samantala, napatunayan naman ni Tom ang sinasabi ng ibang tao na nagiging “bridezilla” ang mga bride.

“Kampante ako, sabi ko ‘Ay hindi ‘yung sa akin. Sobrang anghel ng magiging misis ko, mabait ‘yon. Kaya noong nagkaroon, sinusungitan ako. Sabi ko ‘Woah! Totoo pala talaga!'” natatawang sabi ni Tom.

“Pero to be fair sa kanya grabe ‘yung mga pinagdaanan niya. Kasi ito (nakaturo si Tom sa sarili) naman talaga kasi, bakit pandemic nag-propose? Mas mahirap nang magplano ng kasal, lalo ko pang pinahirapan dahil doon,” dagdag ng Kapuso actor.

“Dala lang ng stress. Dahil pandemic siya, and pabagu-bago ng rules, protocols. It was a very stressful three weeks before the wedding,” sabi naman ni Carla.

Ikinasal sina Carla at Tom Oktubre nitong taon. Na-engaged na sila noon pang Oktubre 2020, ngunit isinapubliko nito lang Marso.

Regular na napapanood si Carla sa To Have And To Hold (with Rocco Nacino and Max Collins) samantalang simula sa Lunes, November 22 ay magbabalik na sa ere ang The World Between Us nina Tom, Jasmine Curtis-Smith, Dina Bonnevie at Alden Richards.

***

LAGING ugaliing makabuluhan at puno ng kaalaman tungkol sa science at technology ang inyong Linggo ng umaga (9:35 am sa GMA) sa mga brand new episode ng iBILIB!

Sa direksyon ni Rico Gutierrez, samahan ang award-winning host na si CHRIS TIU, ang Kapuso comedian na si ROADFILL MACASERO, at ang Kapuso sweetheart na si SHAIRA DIAZ sa kanilang masasayang eksperimento!

Matuto at malibang tuwing Sunday mornings sa iBilib!