Advertisers

Advertisers

Shabu inilagay sa ulam para sa presong misis

0 283

Advertisers

KALABOSO ang isang lalaki nang tangkain nitong magpasok ng shabu na inilagay sa tupperware ng ulam para sana sa kanyang misis na nakakulong sa Quezon City Police District (QCPD) Kamuning Police Station 10 nitong Huwebes.

Kinilala ni Station Drug Enforcement Unit (SDEU) Lt. Jorge Villanueva ang nadakip na si Jules Guinto, 49 anyos, welder, nakatira sa 47 Miyerkules St., Landcom Village, Sta. Mesa, Manila.

Base sa ulat, 5:30 ng hapon (November 18) nang maganap ang insidente sa loob ng nasabing police Station.



Sinasabi na dadalawin ng mister ang nakapiit nito na asawa at magdadala ng pagkain subali’t nang inspeksyunin ni Cpl Reymark Rigor ang dala-dala na ulam na nakalagay sa tupperware, nakita ang isang plastic sachet ng shabu.

Nakapiit na si Guinto na nahaharap sa paglabag sa RA9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.