Advertisers

Advertisers

Crawford napanatili ang WBO welterweight title vs Porter

0 519

Advertisers

NADIPENSAHAN ng unbeaten na si Terrence Crawford ang kanyang WBO welterweight title Sabado ng gabi, matapos pabagsakin si Shawn Porter sa 10th round sa Las Vegas.

Sa panalong ito, bitbit pa rin ni Crawford ang kanyang WBO welterweight title.

Ito naman ang kauna-unahang pagkakataon para kay Porter na pinabagsak siya ng kalaban sa unang 1 minuto at 21 segundo papasok sa round.



Bagama’t ito na ang ikalimang magkasunod na pagkakataon na nadipensahan ni Crawford ang kanyang titulo ay hindi naging madali naman para sa kanya ang pinagdaanan sa mga kamay ni Porter.

Makikita rin naman ang pressure na ibinibigay ni Porter sa bakbakan nila pero dahil sa dalawang beses siyang pinabagsak ni Crawford sa Round 10 ay napilitan ang ama ni Porter na itapon na sa lona ang towel nito na siyang hudyat na rin ng kanilang pagsuko.

Tama para kay Crawford ang naging desisyon ng ama ni Porter dahil kung nagpatuloy lang ang kanilang laban ay pupuruhan pa raw niya ito ng husto.

Base sa records, si Crawford ay lamang kay Porter pagdating sa total punches, 98-79.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">