Advertisers
NALANSAG ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit ng Southern Police District (SPD) ang isang drug den na ikinaaresto ng limang indibidwal sa ikinasang pagsalakay sa Taguig City nitong Sabado, Nobyembre 21.
Inanunsyo ni Southern Police District chief, Brig. General Jimili Macaraeg, ang pagkakaaresto kina Emerson Manali alyas Bakla, 26 anyos; Sonny Esteban, 55; Mico Pascual, 24; pawang taga-Taguig City; Mar Dando, 48, taga-Rizal; at Roberto Terrado, 35.
Sa ulat, sinalakay ng mga pulis ang drug den sa 102 P. Mariano St., Brgy. Ususan, Taguig City, 4:30 ng hapon na ikinaaresto ng limang suspek.
Narekober sa mga suspek ang 10 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P68,000, marked money, wallet, at drug paraphernalias.