Advertisers

Advertisers

PULAHAN AT DILAWAN WALANG PUWANG SA HALALAN

0 248

Advertisers

NAKASUSULASOK ng dugo ang ilang praning na kababayan nating pinagdidiskitahang ma-disqualify ang presidentiable na si Bongbong Marcos gayong may mga elementong tunay na dapat mabura sa talaan ng halalan dahil sa kanilang kilusang sedisyon at terorismong lantarang di na kailangan pa ng katibayan.

Kundi sila kayang burahin ng komisyunado ng eleksiyon ,nasa kamay na ng taumbayan para mawalan ng puwang sa lipunan ang nga nagkukunwang makabayang kawatang pulahan kakampi ng mga dilawan.

Basag na ang pula, malapit na ang katapusan ng mga salot sa lipunan.



Nababali na ang gulugod ng mga kupal na walang ginawa kundi maghasik ng kaguluhan sa mamamayang nais lang ng matiwasay na pamumuhay.

Tunay na may hangganan ang bawat kasamaan lalo na ang mga demonyong nakamaskarang anghel upang linlangin ang iilang kababayang napaniwala ng kanilang pukyutang dila .

Silang mga pulahang may maitim na planong ibagsak ang pamahalaan( suntok sa buwan) at ipalit ang kanilang ideolohiyang di naniniwala sa ating LUMIKHA .

Nasusupil na dapat ang mga suwail sa mga institusyon ng estado.

Nalalagas na ang mga tulisang pulahan sa kanayunan pero kinakanlong pa ng kadilawan. Iyong mga may konsensiya pang alagad nila na nais na ng normal na buhay ay nagbabalik- loob na sa pamahalaang sinserong ipagkaloob ang tunay na malayang buhay na matagal na sinikil dahil sa itinimong kabalbalan ng kanilang pinunong buhay-hari ‘por ol sison’ sa ibang lupain na ang yaman ay mula sa tinutulisan nilang salapi ng mga imbestor na gustong paunlarin ang kanayunan pati mga pobreng magsasaka, mangingisda, manggagawa ay kinukulimbat ang mga abang pinaghirapan.



Puksain na ang mga komunistang dito na lang sa ‘Pinas nakakagoyo( guho na ang komunismo sa buong mundo) at ang klasik ay mga matatalino pa dito ang naloloko.

Disqualified na kay botanteng Juan ang mga pulahang nagkukunwang makabayan na na-penetrate pa ang Kongreso ng bayan na sa totoo lang ay kumakatawan lang sila sa mga kupal na radikal na iilan lang pero nalulustay ang pondo at pinasusuweldo pa ng estado sa pamamagitan ng naging armas nilang Party List na dapat ay kumakatawan lang sa marginalize sector, pero ang mga makakaliwang nabubuhay sa bayolenteng paraan at kumikitil ng buhay ng sariling kalipi ang kinakatawan sa nagoyong pahahalaan.

Dapat lang ay tanggalan na ng akreditasyon ng kunsintidor na kumisyunado ang mga ‘blokeng makabayad’ upang magwakas na ang hayagang pamemerwisyo sa Sambayanang Pilipino.

Wala silang puwang sa 2022 , itaga niyo sa bato…ABANGAN!!!

Kaya kayong mga nagtitunggali sa national positions,SPORT lang, ang tunay na kalaban ay ang mga PULAHAN at PINKLAWAN na sagad ang kagulangan para sa kapagyarihan upang muling mapuwesto ang elitismo kakomplut ang komunismo… MISMO!