Advertisers
PAGKATAPOS ng filing ng certificate of candidacy at substitutions process ng mga kandidato para sa Halalan 2022, isinisingit narin ng mga pari sa kanilang holy mass ang pagbibigay ng gabay sa mga Katoliko, ang tamang pagpili ng mga kandidato sa darating na halalan.
Pinatututsadahan din ng mga pari ang mga politikong may maitim na kahapon at masamang rekord sa kanilang pamumuno.
Pakinggan natin ang ilang bahagi ng Homily ni Father Kali Pietre Llamado sa Manila Cathedral na nag-viral: “Tayo, takot na takot sa multo…’Di mo naman nakikita pero kinikilabutan ka. Pero kapag sinabi sa ‘yo, ‘itong tao na ito, nagnakaw ng milyones sa bayan’, palakpakan pa tayo. ‘Suportado ko ‘yan! Kahit magnakaw siya, kahit pumatay siya, magaling siya.’ Hindi ba dapat kilabutan ka?”.
Walang binabanggit na pangalan ng politiko si Father Llamado rito pero umalma ang supporters ng isang politiko. Ramdam siguro nila ang manok nila ang pinatatamaan. Bakit, ganun ba ang idol nyo? Hehehe…
Sa ilang bahagi naman ng Homily ni Father Jett Villarin, sinabi niyang: “Follow the Commandments. Do not kill. Do not steal. Do not lie. Dun palang iiksi na ang lista-han.”
Umalma rin ang supporters ng isang politiko. Feel nila ang kandidato nila ang pinatatamaan. Hehehe…
Tirada naman ni Bishop Broderick Pabillo, ang head ng Episcopal Commission on Laity, pinatamaan niya ang isang evangelist: “If Mike Velarde can brazenly come out with a list endorsing MAGNANAKAW, MAMAMATAY TAO, and DISHONEST people, should not our lay leaders and lay groups do at least the same – endorsing names but of HONEST PEOPLE? The ball is on your court. Should we play ball or just let them take control of the game because they are more ENTERISING?”
Sa kaniyang homily noon bago ang SONA 2020, sinabi ni Bishop Pabillo: “Hindi tayo maaaring maging mabubuting Kristiyano kung hindi tayo mabububuting mamamayan. Hindi natin masasabi na mahal ko ang aking kapwa kung wala tayong pagmamahal sa bayan.”
Mas malupit itong nag-ternding din na ilang bahagi ng Homily ni Father Fiel Pareja: “Radikal ang magmahal. Kriminal ang magnanakaw.”
Umalma rin dito ang die hard supporters ng isang politiko. Ramdam nila ‘yung kandidato nila ang puntirya sa Homily na ito. Hehehe…
Homily naman ni Father Jojo Zerrudo tungkol sa tax collector sa panahon ng Roman Empire: “Buti pa si Zacchaeus, ang tax collector ng Jericho, nagbalik ng nakulimbat, 4 times pa! Pero ‘yung iba dyan, bilyon bilyon ang ninakaw, ayaw isauli!”
Nag-trending din ito sa social media. Nag-away-away pa ang supporters ng mga politikong nakasuhan ng Plunder. Hindi raw iyon ang kandidato nila. Hehehe
Homily naman ni Father Dave T. Concepcion ng Sta. Maria Goretti Parish: “The saying, ‘Tell me who your friends are and I will tell you who you are’ is also applicable in saying, ‘Tell me who your candidates are and I will tell you who you are.’ The Church is always non-partisan but it can never be neutral. It is always in the side of the Truth. You cannot be in the aide of God and yet to evil.”
Ramdam n’yo ba ang mga naging Homily ng mga paring ito? Sobrang tama sila, Right? Pag sinunod natin sila, ‘di tayo maliligaw sa pagpili ng tamang kandidato sa Mayo 2022. Mismo!