Advertisers

Advertisers

Alden ibang-iba na sa pagbabalik-serye; Max may gustong patunayan ngayong nanay na

0 240

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

MAPANONOOD na ang  trending na “Alden 2.0” o ang new look ni Alden Richards!

Dahil napaka-successful na ni Louie Asuncion, ang karakter ni Alden sa The World Between Us, mistulang isang high class male model ang Alden 2.0 look ng Kapuso actor.



Paano ba na-achieve ang naturang look ni Alden?

“Actually majority of the look po dito, akin po talaga yung mga gamit na ginamit, as much as possible. Ganun po ako ka-invested dito sa show na ‘to, as in I really committed myself to it. Sabi ko  kahit ano’ng puwede kong maitulong , I will do it.

“So na-commit ko po ang sarili ko, to slimming down, to look the character, to give justice to the transitions, kasi three-year transition po siya e, isang 2011, 2017, to 2021.

“So talagang pinagtuunan ko po siya ng pansin. And siguro nakatulong din po yung lock in tapings since nagkaroon po talaga ako ng oras to really focus on it.

“At hindi lang naman po ako e, lahat po kami dito nag-exert ng effort kasi ang laking factor po sa show yung changing your look so everyone of us did our part in that aspect.



“And character-wise din inangkop lang po namin yung characterization namin sa kung anuman po yung pinagdaanan ng characters namin during the airing and the comeback po namin.

“Mahirap po pero ang sarap po kasi niyang panoorin, nakaka-proud po na yung pinaghirapan mo ay may pinuntahan.”

Nagkaroon ng “intermission” o break ang pag-ere ng The World Between Us noong August 27 at simula kagabi, Lunes, November 22 ay mapapanood na muli ang mga karakter nina Alden, Jasmine Curtis-Smith (bilang si Lia Libradilla), Tom Rodriguez (bilang si Brian Libradilla), Jaclyn Jose (bilang si Yachie) at Dina Bonnevie (bilang si Rachel Libradilla) sa The World Between Us sa GMA Telebabad block.

Ang The World Between Us ay sa direksyon ni Dominic Zapata.

***

MABIBIGAT ang mga drama scenes ni Max Collins sa GMA series nila nina Carla Abellana (bilang si Erica Gatchalian) at Rocco Nacino (bilang Gavin Ramirez) na To Have And To Hold!

“To be honest, this is the first project that I really, really  worked so hard on! Because I really wanna prove myself, lalo na nanay na ako so siyempre parang iba yung gusto kong i-achieve sa buhay ko kasi gusto kong maging proud ang anak ko sa mga ginagawa ko.”

One year old Skye is the baby boy of Max at Pancho Magno.

“And that just gives me more of a drive kumbaga to prove myself and to do better.

“So I really dug deep emotionally to play Dominique and to find the emotions needed para sa mga eksena.

“And it’s something that I’m proud of and I hope that everyone will hopefully like my performance here,” pahayag pa ni Max.   Ang iba pang bumubuo sa cast ng To Have And To Hold bukod kina Max, Carla at Rocco ay sina Luis Hontiveros bilang Daryl, si Athena Madrid bilang Grace, Valeen Montenegro bilang Sofia, Gilleth Sandico bilang Vicky, Roi Vinzon bilang Giovanni, Bing Pimentel bilang Millet at Ina Feleo bilang Quel.

Sa direksyon ni Don Michael Perez napapanood ito weeknights sa GMA Telebabad.