Advertisers

Advertisers

Faith deadma sa mga indecent proposal; Rayver at Julie Anne, may namumuong romansa

0 395

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

MARAMING netizens ang kinilig sa latest post ni Rayver Cruz na nagbigay siya ng mensahe  kay Julie Anne San Jose sa effort na ginawa nito para sa kanya.

Sa isang larawan ay  makikitang nagsasayaw sina Julie Anne at Rayver na kuha sa  sequel ng Limitless Musical Trilogy ang “Limitless Part 2: Heal” at pinuri ni Rayver at pinasalamatan si Julie Anne.



“I really feel honored to be part of Limitless Part 2: Heal and to perform with such a talented artist, @myjaps. As always, you bring out the best in me. Nakakahawa naman kasi talaga ang energy and passion mo. Napaka professional pa. Limitless ka talaga! Naks haha!

“Kidding aside, congratulations in advance and cheers to the success of your show jules! Keep that fire burning in you and God bless you always. ” saad ni Rayver sa kanyang pinost na larawan.

Tinugon naman ni Julie Anne ang post na ito ni Rayver sa pagsasabi ng salamat.

“Ang gaan kasi talaga katrabaho ni Rayver and I never had a hard time working with him. And aside from that, we’ve been close talaga ever since, kumbaga I also got to know him more noong Siquijor trip din namin,” pahayag naman ni Julie Anne sa isang panayam sa kanya.

***



BUONG akala ng magandang Kapuso actress na si Faith Da Silva na sa kanyang ginawang pagtatapat na marami siyang natatanggap na indecent proposals thru messages sa programang ‘The Boobay And Tekla Show’ ay matitigil na ang pagpapadala sa kanya ng mga indecent na proposals pero tila mas lalo raw nag-level up ngayon ang mga ganitong uring proposals na pinararating kay Faith, may presyohan na talaga.

Ano naman kaya ang ginagawa ni Faith, isa sa lead actress ng toprating show for afternoon series ng Kapuso Network, ang “Las Hermanas” kasama sina Albert Martinez, Thea Tolentino at Yasmien Kurdi?

“Hindi ako nagbabasa, ’di ako nagre-respond. Pinapabayaan ko lang sila,” sagot ni Faith.

Palagi akong nakaka-receive ng messages na ganyan and for them it’s normal. Ako naman, as long as alam kong wala akong mga ganyan na ginagawa, deadma lang tayo,” sabi ni Faith.

Ano naman ang ginagawa ni Faith sa sobrang below the belt na mensahe na natatanggap niya tulad na lang ng pagbibigay ng malaking pera, at siempre knows na kung ano ang kapalit.

“Nangba-block lang ako ’pag grabeng negative comment na yung binibigay sa ’kin pero ako kasi, deadma ako. Wala akong pakialam sa mga sinasabi ng tao,” say pa rin ni Faith.

Inamin din ni Faith na mas maraming hate comment siyang tinatanggap mula sa televiewers, galit sa kanya dahil sa pagiging mean sa role niya sa  “Las Hermanas”.

“Hindi ako naiinis sa hate comments nila, natutuwa nga ako kasi ibig sabihin nagwo-work kung ano ‘yung ginagawa ko,” anya pa.