Advertisers

Advertisers

Fariñas ng Ilocos Norte, suportado si Bong Go

0 248

Advertisers

Nagkaroon ng malaking laban si presidential candidate Senator Christopher Lawrence “Bong” Go sa Ilocos Norte nang magpahayag ang pamilya Fariñas ng suporta sa kanyang kandidatura sa May 2022 elections.

Inanunsyo ni Ilocos Norte 1st District Rep. Ria Farinas na dadalhin niya ang kandidatura sa pagkapangulo ng bansa ni Senator Go.

Pinuri ni Farinas, miyembro ng PDP-Laban, si Go at sinabi niyang susuportahan ang standard bearer ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS). Ang PDDS ay kaalyado na ng PDP-Laban.



Lubos namang pinasalamatan ni Go si Rep. Farinas, kasalukuyang Deputy Majority Leader ng House of Representatives, sa sinabi ng mambabatas.

“Salamat po sa suporta at tiwala. Hindi namin ito sasayangin, magseserbisyo po kami sa inyo. Magtulungan tayo,” anang kandidato sa pagkapangulo.

Ang ekonomiya ng Ilocos Region ay nakaangkla sa agrikultura at agro-industrial sectors.

Sinabi ni Go kamakailan sa harap ng industry leaders sa Philippine Business Conference at Expo Presidentiables Forum na inorganisa ng Philippine Chamber of Commerce and Industry na may nakalatag na siyang food security plan.

Nangako si Go na kapag nahal siyang pangulo ay ipagpapatuloy niya ang pagtataguyod ng agriculture support systems at infrastructure, kagaya ng farm-to-market roads.



Palalawakin niya ang libreng irigasyon sa mga sakahan, ang programang nasimula na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng paglagda sa Republic Act 10969, o Free Irrigation Law noong 2019.

“Ipagpapatuloy at papalawigin natin ang National Rice Program, Rice Competitiveness Enhacement Fund, at iba pang programa para sa mga magsasaka at mangingisda,” idiniin ni Go.

Sinabi ni Go na higit siyang mamumuhunan sa pagtatayo ng regional at big provincial storage facilities na may central refrigerated warehouse, chilling rooms, freezer storage, ice plant, blast freezers at refrigerated processing rooms.

“This will prevent wastage of farm produce, like what happened with some vegetable farmers dumping their ripe tomatoes on the roadside in Benguet, for example,” ipinunto ng presidential candidate.