Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
HINDI ikinaila ni Jason Abalos nasa stage na siya ng kanyang showbiz career na natatakot na siyang mawalan ng magagandang roles sa TV at pelikula.
Naibulalas niya na natatakot siya kapag may bagong mas batang actor na ibini-build up ang home network. Ang nasa isip niya ay mababawasan na ang pagbibida niya dahil ang hanap ngayon ng karamihan ay yung may fresh na mukha.
“Hindi ko naman itinatago na natatakot din ako tuwing may bagong artistang lalake na pinapakilala. Kasi nga mararamdaman mo na yung edad mo, di ba? Kung pangbida ka pa ba o ikaw na ang gaganap na tatay o kuya o tito na actor na ito sa susunod mong teleserye. Pero ang GMA, salamat sa Diyos at binibigyan pa rin tayo ng pambida na role.
“But I would not mind na rin doing different roles in the future. Kailangan na rin nating tanggapin na may mga bago nang hahangaan ang maraming tao. Lalo na pabata na ang mga televiewers.”
Nagpapasalamat si Jason sa payo sa kanya ni Albert Martinez to take the risk of other roles para maging relevant pa rin siya as an actor.
“Nag-usap nga kami ni Sir Albert at nag-advice siya sa akin to take the void. Kasi sa void na iyon, ako lang ang nandoon at gawin ko ang nararapat to fill in that void. Nasundan ko kasi ang career ni Sir Albert at ang ganda ng growth niya from being a teen actor, to drama, kontrabida, nag-sexy din siya at hanggang ngayon nabibigyan pa siya ng mga markado na roles sa teleserye. Gusto ko masundan ang gano`ng path para matagal pa ang itakbo ng acting career ko.”
***
AYAW o tila iniiwasan daw sagutin ni Cherry Pie Picache ang tanong sa kanya ng followers sa Instagram kung totoong sila ang na-blind item na isang mahusay na actress nakatagpo ng lovelife sa set ng ginagawang teleserye.
Ang pinagbasehan ng fans ay ang pinost na photos ni Cherry Pie habang nasa New York sila habang nagte-taping ng Marry Me, Marry You. Sa larawan kasi ay lagi raw silang magkatabi at magkadigit sa upuan sila ni Edu Manzano.
Hindi raw masasabing coincidence yun dahil lahat daw ng larawan sila ay magkasama at magkadikit.
Tapos nabalita pa na nag-unfollow na sina Edu at gilfriend nito na si Iryne Garcia sa IG na kaagad binigyan ng conclusion ng fans na break na raw ang dalawa.
Anyway, siguradong aabangan sina Edu at Cherry Pie kung kailan sila aamin or itatanggi na sila nga ngayon ang pinakabagong couple sa showbiz.
***
Mga kandidatong alam nilang matatalo sila ay wa paki
Sa mga tumatalbo sa mas mataas na posisyon sa 2022 election ay walang pakialam kesehodang alam nilang matatalo rin sila.
Manalo at matalo nga naman sila ay importanteng marami silang sponsor na nakasuporta dahil sa bandang huli ay panalo pa rin silang matatawag.
Dedma na lang ang mga ito basta at least ay kumandidato sila sa mas mataas na posisyon na ginagastusan ng kanilang sponsor.
Kaya lang minsan ay maiinis ka rin sa kandidato na feeling talagang gusto sila ng taumbayan kahit alam mo na wala naman magagawang mabuti sa bayan kundi para matupad lang pangarap sa buhay at hindi para maglingkod talaga sa bayan.
Gising na ang taumbayan at hindi na puwede yung pangako nang pangako na ultimo buwan ay ipagkakaloob sa sambayanang Filipino.