Advertisers

Advertisers

Budol!

0 1,445

Advertisers

PALASAK na palasak ang taguring “budol”, ngunit marami pa rin sa ating mga kababayan ang hindi gaanong nakakaunawa sa tunay na kahulugan nito.

Sa larangan ng krimen, ito po mga ka-SIKRETA ay katugon sa “criminal jargon” na ibig sabihin ay ginupit na papel o diyaryo na ibinabalumbon at pinagmumukhang pera saka tinatalian ng lastiko at pinaiibabawan ng tunay na isang libo o limandaan pisong papel para magmukhang makapal at aakalaing malaking halaga ito.

Pangkaraniwang gamit ang “budol” ng mga manlolokong nagbebenta ng pekeng ginto at iba-ibang uri ng alahas o kaya ay iba pang mga manggagantso para maipakita sa kanilang target na biktima na may sapat silang salapi at di mapagdududahang nanlinlinlang lamang.



Sa simpleng salita, ang “budol” ay nangangahulugan ng panloloko, panlilinlang o panggagantso. Higit sa lahat ay peke, iligal at labag sa batas na hanapbuhay.

Parang “budol” ang pinagkikitaan ng mag-asawang Anastacio Velasquez Marasigan at Riza Comia-Marasigan ng St. Martin Street, Tierra Verde Subdivision, Brgy. Pallocan West, Batangas City na siyang magiging paksa ng serye ng ating pagsisiwalat.

Mayroon pang apat na katao ang kasabwat ng mag-asawang ito. Sila ay sina Ramil Panganiban, Myrna Panganiban, Randy Tolentino at Mila Tolentino, pawang residente din ng Tierra Verde Subdivion, Brgy. Pallocan West, Batangas City.

Para lalong makapanghikayat na sumosyo sa kanilang “budol” na negosyo ay nagkukunyari naman ang apat na mga business partner ng mag-asawang MARASIGAN.

sA totoo lang ang tunay na ikinabubuhay ng mag-asawang Marasigan ay ang manggantso ng kanilang kapwa sa pamamagitan ng pang-eenggganyo sa kanilang mga bibiktimahin na sumosyo o mag-invest sa kanilang gawa-gawang negosyo para makunan ang mga ito ng milyones na halaga ng salapi.



Balatkayo lamang ni Atanacio ang pagiging isang seaman. Ang pinakahuling front din ng mag-asawang Marasigan ay ang St. Athanasius Medical Laboratory and Drug Testing Center sa Poblacion, Bauan, Batangas.

Isa sa pinakahuling naging biktima ng grupo ng mag-asawang Marasigan ay ang isang retiradong master mariner at ang buong pamliya nito na pansamantalang hindi natin muna pinangalanan.

Nalimas ng mag-asawang Marasigan at ng grupo nito ang milyones na salaping pinagtarabahuhan ng nasabing dating ship skipper.

Ang masaklap ang biktima na dati ring kapitan ng mga ocean-going na barko ay siya pa mismong nagrekomenda sa trabaho kay Atanacio bilang isang seaman sa shipping agency na una nitong pinaglingkuran.

Ngunit sa pagitan nilang mag-asawa, ay mas higit ang pagka-tulisan ni Riza, pagkat hindi na halos mabilang ang mga kasong panlilinlang na naisampa laban dito sa mga tanggapan ng prosecutors lalong- lalo na sa Batangas City.

Hindi na din mabilang ang dami ng mga nai-file na kaso laban kay Riza C. Marasigan sa Batangas City Prosecutors Office bukod pa sa mga asuntong kinakaharap nito sa Metro- Manila at maging sa hukuman.

Isa na ring ex-convict si Riza C. Marasigan pagkat nasenstansyahan na pala ito ng pagkakulong kaugnay sa may 14 na kasong kriminal na nadesisyunan sa Municipal Trial Courts in Cities (MTCC) sa nasabing lungsod noon pang taong 2017.

Ang hindi natin makuro ay kung bakit patuloy pa rin itong nakakalaya at “naka-pambubudol” ng mga inosenteng mga mamamayan? Abangan ang karugtong… Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144; email: sianing52@gmail.com.