Advertisers

Advertisers

Kris makaaapekto kay Leni ang pagsuporta bilang pangulo

0 492

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

ANG actress na si Angel Locsin pala ang nagpadala ng naging controversial na tweet  ni Senatorial candidate Herbert Bautista na ikina-react ni Kris Aquino at future husband nito na si Mel Sarmiento

Ibinulgar ito ni Kris sa comment section ng litanya kay Bistek last Saturday sa kanyang Instagram.



Sa post kasi ni Kris ay nag-react ng heart emoji si Angel  at sumagot naman ang una.

“@therealangellocsin  pwede ko bang i reveal  na ikaw yung nagpadala  ng  tweet  sa  `kin? And sinabi ko ang weird mo kasi nung  nabasa ko ng  5 AM (because nag bathroom ako) at nag-reply sa yo tapos  sumagot ka  dahil gising ka pa, sinagot mo ako na Ate, walang tatalo naman sa pagka-weird  nya, kaya matulog na tayo,” say ni Kris.

Nag-comment naman ang isang netizen ng, “Did  you just put @therealangellocsin on the spot  by asking the question, puwede bang i reveal   na ikaw  yung nagpadala  ng tweet  sa akin in a public post?”

Should  you  have privately  messaged  her  first  to ask? What  if angel  wants  that  conversation  just  between her and  you?”

Knowing Kris, sinagot niya ito ng, “sweetheart, were still  kumare na pwedeng   magbiruan, were  that  close na pwede na kaming  magbiruan and for and for  sure  walang  mapipikon.”



Sumagot na rin si Angel para linawin na walang problema sa kanya ang ginawa ni Kris.

“Wala naman problema  at  ate ko yan,” say ni Angel.

Samantalang may payo naman si Kris kay Herbert Bautista na dapat nitong pag-usapan ang  bagong relasyon niya at hindi yung past nila.

“It`s  a  common knowledge  that  you`re  now  in a new  relationship  with a beautiful  girlfriend, so if you need  to talk about your love life, please   talk about  your  present, not your  past,” say ni Kris.

Nangangahulugan na alam ni Kris na may bagong girlfriend si Herbert  at alam din daw ito ng mga Marites kung sino yung girl. Pero walang inaamin si Herbert  at  walang kumpirmasyon in public at huwag naman itong pangunahan.

Nasabi rin ni Kris na may gagawin siyang pelikula next year na hindi  binanggit ang title. Inaayos pa raw ang schedule ng shooting dahil  may nakatakda siyang tulungang ikampanya.

“Nag-commit ako na may tutulungan sa maraming paraan including  sa pag-ikot  ng Pilipinas  slowly starting  this January 2022. Obviously alam nyo na kung sino ang  aking tinutukoy kasi pareho na kami ng favorite  color ngayon. I`m sure  lahat ng followers ko alam kung ano yung  forever  favorite  color ko, pink.”

Kahit  walang binanggit na pangalan ay si VP Leni Robredo ang kanyang tinutukoy na tutulungang ikampanya at iikot pa raw sila sa bansa kasama ang kanyang future husband na si Mel Sarmiento.

Payo naman ng mga nagmamalasakit kay Kris na huwag nang sumawsaw sa darating na election at baka masaktan lang daw siya dahil hindi na tulad ng dati ang kanyang charisma para himukin ang tao na iboto ang kanyang kandidato.

***

AYAW ng Chinese President gaya ni Bong Go

Nakakagulat ang mga reaction ng mga Pinoy sa kandidatura ni Bong Go bilang Presidential candidate sa 2022 election.

Grabe ang pagtutol ng karamihan na sumisigaw ng ayaw nila ng may dugong Intsik na maging Pangulo ng bansa. Dapat lang daw na tunay at purong Pinoy ang manungkulang Pangulo.

Kahit na raw pagdiinan pa ni Bong Go na dugong Pinoy siya at tunay na may malasakit sa ating bansa ay nandiyan pa rin at nananalaytay pa rin ang dugong Intsik.

Rection ng isang netizen na kahit siya ay isang half-Chinese at haft-Pinoy ay tutol din siyang maging Pangulo si Go.

“Sa pangalan pa lang ay hindi na maitatagong may dugong Intsik siya at hndi isang purong Pinoy.”

Samantala, paalala naman ng mga netizen sa ibang kandidato lalo na sa mga Presidential candidates na hindi na puwede at hindi na uubra ang puro paninira at pangako.

Ang hanap nila ay yung tunay na makapaglilingkod  ng tapat at makapagbibigay ng tunay na serbisyo sa bayan.

Well, sabi nga ay ang tao ang siyang maghahalal ng bagong mamumuno sa bansa at hindi ng iilang tao na may kanya-kanyang personal na interest sa buhay.