Advertisers

Advertisers

Leni at Sara? puede!

0 472

Advertisers

KUNG palarin si Atty. Leni Robredo sa presidential derby sa Mayo 2022, sino sa tingin ninyo ang maganda niyang maging Bise? Si Atty. Kiko Pangilian ba? Si Dr. Willie Ong? Si Lito Atienza? Si Tito Sotto? o si Atty. Sara Duterte-Carpio?

Ang running mate ngayon ni Leni ay si Kiko. Pero mukhang mahihirapan makalusot ang hubby ni Sharon Cuneta laban kina Sara at Sotto na masyadong malakas ang dating sa mga botante.

Si Leni naman ay pumapangalawa kay Bongbong Marcos, ang running mate ni Sara.



Pero malaki ang tsansa ni Leni na maungusan si Bongbong tulad ng nangyari sa kanilang laban noong 2016. Maingay lang sa social media ang supporters ni Bongbong habang tahimik ang kay Leni.

Sakaling si Leni nga ang manalo at si Sara ang manaig sa Bise, magkasundo kaya sila sa pagpapatakbo sa gob-yerno?

Sabi ni Leni, okey sa kanya si Sara. Wala raw problema kung ito ang maging Bise niya. Hindi niya raw gagawin kay Sara ang ginawa sa kanya ng ama ni Sara na si Pangulong Rody Duterte.

Dito kasi sa administrasyong Duterte ay nagmukhang basahan si Leni: Nilait-lait, hindi binigyan ng cabinet position, kakarampot ang ibinigay na pondo sa kanyang tanggapan – sakto lang pasueldo sa kanyang staff at pambili ng mga gamit sa opisina. Pero sa kabila nito ay napakaraming nagawang programa si Leni sa tulong ng mga pribadong sektor. Nakakabilib nga!

Sa mga presidentiable ngayon, si Leni lang ang abogado, walang bahid ng korapsyon o anumang kriminalidad sa pagiging public servant. Siya lang din ang halal na opisyal na nagawaran ng pinakamataas na grado ng Commission on Audit (CoA) simula nang maupo bilang Bise Presidente hanggang sa latest yearly audit report ng state auditors. Sabi nga: “Let Leni lead!”



Kung si Leni nga ang palarin sa presidential at si Sara naman sa Vice, sa tingin ko ay magiging okey ang kanilang tandem sa pagpatakbo sa gobyerno. Pareho silang abogada, parehong ina at kapwa probinsiyana. Women’s power 2022. Why not?

***

Nagpa-drug test na sina presidential aspirants Panfilo “Ping” Lacson at Bongbong Marcos. Kapwa negative ang resulta.

Ginawa nila ang pagpa-drug test matapos ianunsyo ni Pangulong Duterte na isang anak mayaman na presidentiable ang adik sa cocaine. Kaya raw hindi ito nahuhuli ng pulis ay dahil sa eroplano at yate ito humihigop ng cocaine.

Inaasahang sunod na magpa-drug test sina Isko Moreno, Manny Pacquiao, Leni Robredo, Bong Go at iba pang presidentiables.

Kapag lumabas na negatibo sa paggamit ng iligal na droga ang lahat ng presidentables na ito, lalabas na sinungaling si Pangulong Duterte. Tinahi-tahi niya lang ang isyu laban sa isang presidentiable tulad ng paggawa niya noon ng peke na bank accounts ni dating Senador Antonio Trillanes.

Kung hindi lang siguro presidente itong si Duterte malamang nangangamote na ito sa Libel cases. Hehehe… Mabuti lang mayroon siyang immunity as president. Pero kapag natapos niya ang term sa Hunyo 30, 2022, tiyak tatambakan ito ng kaso ng mga taong pinerwesyo niya sa loob ng anim na taon. Mismo!