Advertisers
Ni WALLY PERALTA
MASAYANG John Lloyd Cruz ang napanood ng kanyang mga tagahanga nang first time na mag-guest ang aktor sa top rating Sunday night show ng Kapuso Network, ang “Kapuso Mo Jessica Soho”.
Tulad ng pag-guest ni Bea sa KMJS ay game na game rin sumagot sa medyo personal na tanong si John kahit halatang nabigla siya at medyo natameme. Diretsahan kasi siyang natanong kung ano ang masasabi niya sa pagpapakasal ng dati niyang nobya at ina ng kanyang anak na si Ellen Adarna.
Inamin ni John Lloyd na masaya siya para sa dalawa at wini-wish niya na sana ay maayos ang samahan ng dalawa bilang mag-asawa.
“Finally, she found the one,” say ni Lloydie.
Inamin ni John Lloyd na okey naman ang samahan nila ngayon ni Ellen at nahihiram niya ang anak nila na si Elias. Kaya naging maingat ang aktor na magbigay ng komento sa personal na buhay ngayon ng dating karelasyon, dahilan na rin sa may anak sila.
“Siyempre, sincerely, I wish her all the happiness in the world. And I wish them both a strong and fun marriage. Kasi vital ‘yan sa welfare at sa growth ng anak ko,” dagdag na say pa ni John Lloyd.
***
MAGANDA ang takbo ng showbiz career and lovelife ng beauty queen turned sexy actress na si Kylie Verzosa. Patuloy pa rin ang pagbulusok ng showbiz career ni Kylie, pagkatapos niyang magpasyang magpaseksi sa kanyang movie, after ng success ng kanyang ‘The Housemaid’ ay may bagong movie siyang natapos na gawin agad, ang ‘My Husband, My Lover’ kasama sina Adrian Alandy, Marco Gumabao at Cindy Miranda.
Pagdating naman sa kanyang lovelife, going strong ang relasyon nila ng boypren na si Jake Cuenca. Sa katunayan pa nga ay walang natsitsikang nag-away sila o kaya nagkahiwalay at muling nagkabalikan.
Masaya naman ang relasyon nila ni Jake, naisip din kaya ni Kylie na maging misis ni Jake o happy na siya sa kung anumang relasyon meron silang dalawa sa ngayon?
“I’d rather be a wife. With being a wife comes security, stability, everything you want, ’di ba? So, I’d rather be a wife,” saad ni Kylie.
Mapapanood ang “My Husband, My Lover” simula November 26 sa Vivamax.
Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.
Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings.