Advertisers

Advertisers

Malaking bilang ng traffic violators sa Maynila bumaba sa NCAP

0 222

Advertisers

INSPIRASYON SA BUHAY: “…. Kapag matuwid ang namamahala, bayan ay nagsasaya, ngunit tumatangis ang bayan kung ang pinuno ay masama…” (Mga Kawikaan 29:2, Ang Tanging Daan Bibliya).

-ooo-

MALAKING BILANG NG TRAFFIC VIOLATORS SA MAYNILA BUMABA SA NCAP… Sa pagluwag ng mga alert levels sa kalungsuran, nakikita na natin ang dagsa ng tao kabilang ang mga kabataan na mahigit dalawang taon nakulong sa kanilang mga tahanan sa mga pampublikong mga lugar tulad ng parks at malls. Kaakibat nitong dagsa ng mga tao ang hindi maiiwasang pag lala ng sitwasyon ng trapik. Dahan-dahan na naman nating nakikita ang pagdami ng mga sasakyan sa daan at unti-unti na naman tayong nakakaranas ng matinding trapik. Malaki ang nawawala sa atin pag tayo ay naiipit sa trapiko.



-ooo-

Mabuti din na nasimulan na sa mga piling siyudad ang No Contact Apprehension Program o NCAP. Sa mga hindi nakakaalam, ang NCAP ay isang makabagong sistema ng paghuli sa mga drayber at sasakyan na lumalabag sa batas trapiko sa pamamagitan ng mga high tech CCTV cameras na nakakalat sa buong siyudad. Itong mga camerang ito ay may kakayanan na kumuha ng larawan ng plaka ng sasakyan habang ito ay kasalukuyang lumalabag sa batas trapiko. Itong larawan ay ipapadala sa nakarehistrong drayber ng sasakyan bilang isang Notice of Violation kung saan ay maaaring bayaran ng may-ari ng sasakyan ang multa o kwestyunin ang notice. Mahihirapan din naman magpaliwanag ang naturang may-ari o drayber kung malinaw naman ang ebidensya sa larawan pero itong pag tutol ay natural na kasama sa due process.

-ooo-

Sa siyudad ng Maynila, ang NCAP ay pinasinayaan noong Disyembre 2020. Wala pang isang taon na ito ay ipinapatupad pero kita agad ang positibong epekto nito sa sitwasyong pantrapiko ng lungsod ng maibaba nya ang mga paglabag sa batas trapiko ng 65%. Noong unang buwan lamang ng pagpapatupad nito, nakahuli na ang NCAP ng halos 15,000 traffic violations. Kabilang sa mga violations na nahuli ay ang hindi pagsunod sa traffic light signals, pag-wawalang bahala sa mga lane markings sa daan, at reckless driving.

-ooo-



Sa isang pag-aaral na isinagawa noong 2019 bago mag-pandemya, tinatayang P3.5 bilyon ang nawawala sa ekonomiya sa pagkakaantala sa trapik. Ayon din dito, tinatayang kakailanganin ng dalawang oras na allowance para makarating ka sa iyong paroroonan at kung susumahin ay dapat maglaan ng apat na oras kada araw ang isang tao para lang sa biyahe papunta at pabalik ng bahay. Napakalaking kawalan ang oras na nasayang sa pagkakaantala sa trapik na hindi na maibabalik pa.

-ooo-

Mahalaga ang oras nating lahat. Ang iginugugol natin sa pag himpil sa trapiko ay malaking aksaya sa oras na pwede sana nating magamit sa mga ibang mas makabuluhan na paraan tulad ng pag-aaral para sa mga estudyante, pag-relaks at pag pahinga para sa mga pagod sa trabaho na empleyado, at higit sa lahat, ang pag-aaruga at pagtamasa ng ating mga mahal na pamilya. Ngayon na maituturing pa ding panahon ng pandemya, higit na kailangan natin na maramdaman ang samahan at pagmamahal ng ating mga mahal sa buhay. Ang maayos na sitwasyon ng trapiko ay makakatulong ng husto sa ating pagkamit ng maayos na balanse sa trabaho at personal na buhay.

-ooo-

PANDAIGDIGANG TREND SA COVID 19 AY NAGPAPAKITANG DUMADAMI PA DIN ANG TINATAMAAN NG VIRUS… Batay naman sa mga ulat na nagmumula sa mga international news agencies gaya ng pahayagang The Independent, lumilitaw na dumagsa na naman ang bilang ng mga mamamayan doon na nahahawa ng Covid-19 araw-araw.

Ngayon, ayon sa The Independent, hindi na bumababa ang bilang sa 50,000 katao ang nagkaka-Covid-19, bagamat ang marami sa mga nagkakasakit na ito ay di na nagpapa-admit muna sa mga ospital.

Nababahala na din ang mga autoridad sa gobyerno doon dahil sa pagdami na naman ng mga namamatay araw-araw dahil sa Covid-19, na inaasahang lolobo sa hindi bababa sa 100,000 katao araw-araw.

Isinisisi ng mga authoridad sa London ang muling paglala ng Covid-19 infections doon sa pagbubukas ng mga eskuwelahan kung saan face to face, o pumapasok sa classrooms, na naman ang estilo ng pag-aaral ng mga kabataan.