Maxine nagtapat, ‘di kering magpaseksi gaya ng co-beauty queens na sina Kylie at Cindy; Albie hinangaan nang mag-sorry kay Andi
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
NAKITA ang pagiging maginoo ni Albie Casiño ng mga netizen lalo na’t nag-sorry ito sa dating karelasyon na si Andi Eigenmann sa interbyu nito sa vlog ni Toni Gonzaga.
Napagsabihan si Albie kahit ng manager niya tungkol sa isyu.
Naging nega naman si Albie nang sabihan niyang mataba at losyang na ang ex.
Hindi naman daw dapat dahil may sarili na itong pamilya
At dahil doon ay humingi na ito ng paumanhin at sorry sa mga nasabi nitong masasakit na salita kay Andi.
Ikinatuwa ng netizens ang ginawa ni Albie at puring-puri nila ang ex-PBB housemate.
After mag-sorry sa isang panayam, ano naman kaya ang reaksyon ng kampo ni Andi at mismo ng aktres?
Personal din kaya mag-sorry si Albie sa ex-gf na inaabangan naman ng netizens.
Dahil doon ay nakakuha ng pogi points si Albie sa netizens, ganun din kaya sa kampo ng ex?
***
NIRERESPETO ni Kylie Versoza ang pahayag ni Maxine Medina na nagpahayag sa ginagawang pagpapa-sexy ng kapwa niya beauty queen.
Ayon nga kay Kylie, opinyon niya ‘yun at isa pang beauty queen na si Cindy Miranda ay sumabak na rin sa pagpapa-sexy pero walang komento at dedma lang.
Pareho kasing nasabak sa showbiz sina Kylie at Cindy at puro sexy role ang na-assign sa kanila.
Sa kabila noon ay hindi naman tutol si Maxine sa pagpapa-sexy ng mga kapwa niya beauty queen at sa kanya pa galing na its an art.
Kung si Maxine, di niya raw talaga carry dahil siguro sa pagiging conservative nito na kanyang kinalakihan.
Happy naman si Maxine sa mga bagong karera ng kanyang co-beauty queens na napasok sa showbiz.
At kahit ang isa pang beauty queen na si Rabiya Mateo ay pasok na rin sa showbiz at susubukan na ang maintrigang mundo ng showbiz.
Well, well, well…’Yun na!