Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
PAGKATAPOS ng mga espekulasyon na imposible pa ang balik-tambalan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ngayong taon, dahil uunahin ng Kapuso actress ang kanyang movie with Alden Richards sa GMA-7, may rason naman para mag-rejoice ang kanilang mga faney dahil may sumegway na magandang balita.
Yes, Virginia, muling masisilayan ang dalawa sa isang movie na gawa ng Jollibee Studios para i-promote ang kanilang produkto.
Sa teaser pa lang ay may pasabog na itong kilig overload lalo na roon sa mga followers ng love story nina Popoy at Basha.
Reunited ang kilig tandem nila sa One True Pair, na opisyal na ire-release sa YouTube channel ng Jollibee Studios simula sa Disyembre 1.
Sa 2-minute video clip na teaser nito, marami ang kinilig lalo na sa mga binitiwan nilang dayalogo habang naglalakad sila at kinukumusta ang lagay ng kanilang mga puso.
“You look good,” sey ni Lloydie kay Bea.
“Pumayag na akong gawin ‘tong project. Wag mo na akong bolahin,” sagot ni Bea.
Sey ni John Lloyd, sadyang may mga bagay daw na kapag pinagsama ay talagang ‘perfect combination.’
Hirit naman ni Bea: “Meron din naman, kahit after all these years, never kang pinagpalit.”
Ganting tanong naman ni Lloydie: “Parang tayo?”
Sa huli, sinabi ni Bea ang nilalaman ng kanyang puso sa muling pagkikita nila ni Lloydie na makatunaw-puso at pasabog ang “kilig vibes.”
“Na-miss kita… galing sa puso,” ani Bea.
Hindi pa man, marami nang excited na mapanood ang kabuuan ng nasabing movie come December 1.
Naging kaugalian na rin ng naturang brand na maghatid ng relatable love stories sa kanilang online series for some years now.