Advertisers
Ni WALLY PERALTA
KAMAKAILAN lang ay naghiwalay ang beauty queen turned sexy actress na si Cindy Miranda at ang kanyang non-showbiz boypren.
Nawalan ng oras sa isa’t isa ang dating magsyota nang naging super bisi si Cindy sa sunud-sunod na pelikulang ginawa niya. Katatapos lang ng kanyang ‘House Tour’, heto susunod na agad ang isa pa niyang sexy drama movie na “My Husband, My Lover’ kasama sina Adrian Alandy, Marco Gumabao at Kylie Verzosa. Okey lang kaya kay Cindy na my lover na lang ang kanyang partner in life, kaysa sa tawagin niyang my husband?
Say ni Cindy, keri naman niyang maging lover o kahit sabihin pang pa walang label ang kanyang magiging karelasyon.
“I’d rather be the lover. Sa akin, wala talaga ’yang stability, whatever, ’yong material things from being a wife. I wanted just to be loved, as in ’yong totoong love ng tao. Kahit walang label pa ito or whatever basta gusto ko talaga ako ’yong mahal not just the title or whatever.
“Gusto ko ako ang totoo na minamahal kahit hindi pa alam ng mga tao. Okey na ako du’n. It’s enough. Kahit ’wag kami magpakasal basta ako ’yong mahal mo I’m okey with it,’” pahayag pa ni Cindy.
***
AMINADO ang Kapuso young actor na si Kelvin Miranda na zero ang kanyang lovelife sa ngayon at focus lang muna siya sa kanyang showbiz career, lalo pa ngaon na sinubukan na rin niyang sumabak sa recording bukod pa sa isang seryeng ginagawa niya ngayon para sa balik-tambalan nila ni Mikee Quintos, tapos ng matagumpay na ‘Lost Recipe’.
Kamakailan lang ay ni-launch ni Kelvin ang kanyang first single na may pamagat na ‘Slow Dance’.
Hindi naman daw choosy si Kelvin pagdating sa pagmamahalan, kahit nga raw sa older girls ay napo-fall siya sa tunay na buhay.
Kaya pala bigay na bigay sa kanyang karakter si Kelvin sa ‘Loving Miss Bridgete’ dahil sa minsan ay nagkagusto siya sa kanyang guro na hamak na mas matanda sa kanya.
Sinabi ni Kelvin na naging crush niya ang kanyang Math high school teacher kaya ganado raw siyang pumasok sa subject niyang ito. Hindi tulad sa serye nila ni Beauty Gonzales, sa tunay na buhay ay hindi niya niligawan ang kanyang titser.
As in crush lang talaga.
“Noong high school. Siguro the way niyang magturo, kung paano niya ipaintindi ‘yung mga bagay. Ina-admire ko siya roon.
“Hindi naman ‘yung ganu’ng level na talagang minahal ko si Bridgette sa istorya. More on paghanga lang.
“Nahahalata ng mga classmates at tropa ko, na kapag siya ‘yung sa klase ko, sobrang ganado ako,” pag-amin ni Kelvin.