Advertisers

Advertisers

Pandemya sinamantala ng land grabber sa Montalban!

0 297

Advertisers

SA mga kabundukan ay karaniwang LAND GRABBING ang nagiging kaganapan na humahantong pa sa karahasan.., tulad na lamang nitong nagdaang araw ay puwersahang pinapuwestuhan sa mga armadong guwardiya ang isang pribadong lupain sa SITIO UPPER BANGKAL, BRGY. SAN ISIDRO, MONTALBAN, RIZAL.

Bunsod nito, ang umu-okupa sa mahigit 9,000 metro kuwadrado na si ROSELO ESPEÑERA ay dumulog sa MONTALBAN POLICE STATION at sa BRGY. SAN ISIDRO para sa legalidad na aksiyon.

Lumalabas na nitong alas-10 ng umaga November 22 ay puwersahang pumasok sa naturang private property ang mga armadong guwardiya ng SILVER GRIFFIN SECURITY AGENCY mula sa utos umano ng isang ALLAN CRUZ.



Ayon sa kasalukuyang umu-okupa ng lupain na si ESPEÑERO ay mahigit 10-taon na nilang minamantine ang lugar na nabili nila ang RIGHTS mula sa dating nakaokupa at rehistrado sa BRGY. SAN ISIDRO..,, na ang naturang PROPERTY ay gusto umanong bilhin ng nagngangalang ALLAN CRUZ na rumerepresenta ng QUARRYING COMPANY na nag-ooperate katabi ng PROPERTY ng una.., bagay na tinanggihan ito.

Kamakalawa, si ESPEÑERO ay huminge ng asiste sa MONTALBAN POLICE STATION para mamagitan hinggil sa gusot. Tinungo ang lugar kasama ang ilang pulis at ilang mamamahayag.., siyempre, hindi maaaring puwersahing paalisin ang mga guwardiyang ipinuwesto sa lugar dahil hahantong lamang sa karahasan at ang mga guwardiya ay idadahilang sumusunod lamang sila sa utos ni ALLAN CRUZ.

Ang mga ganitong eksena ay madalas mangyari sa mga kabundukan lalo na ngayong COVID-19 PANDEMIC ay sinasamantala ng mga maiimpluwensiya.., na imbes idaan sa mapayapang proseso tulad sa pagdulog sa hukuman ay idinadaan na lamang sa puwersahang pamamaraan.

Paging DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES (DENR)..,, pakisiyasat nga po ang impormasyon na etong si ALLAN CRUZ ay pinalalawak ang lugar ng kanilang QUARRY OPERATIONS sa paraang pangangamkam ng mga katabing property tulad sa pagkamkam sa property ni ESPEÑERA?

Tanging hangad ng ARYA.., huwag sanang manamantala ang maiimpluwensiyang personalidad at sa halip ay daanin sa legal na pamamaraan tulad nitong si ALLAN CRUZ, na kung may karapatan siyang okupahin ang property ni ESPEÑERA ay dapat na idaan ito sa tamang proseso at hindi sa puwersahang sistema!



***

NANALO SA LOTTO PERO DISMAYADO?

Ang pagtaya sa LOTTO ang siyang pinipilahan ng mga nangangarap para sa biglaang pagyaman… pero may mga nananalo sa LOTTO na DISMAYADO pa rin ang mga ito dahil sa laki pala ng kinakaltas na buwis sa kabuuang halaga ng napanalunang premyo.

Lumalabas mga ka-ARYA na ang mga nananalo sa LOTTO ng halagang P10,000 ay TAXABLE at kinakaltasan ito ng 20%.., kaya, sa premyong P10,000 ay P8,000 lamang ang matatanggap ng nanalo at kung ang napanalunan ay P100 milyon ay P80 milyon lamang ang matatanggap ng nanalo.

Gayunman, inihayag ni PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE (PCSO) VICE CHAIR PERSON/GENERAL MANAGER ROYINA GARMA na nagpanukala na umano sila sa KONGRESO at SENADO, na kung ano ang nakasaad na JACKPOT PRIZE o papremyo ay iyon dapat ang kabuuang premyong matanggap ng mananaya.

Ayon kay GARMA, ang pagkaltas ng buwis sa premyo ng mga nananalo sa LOTTO ay wala umano silang magagawa sa ngayon dahil ito ang itinatakda ng batas.

Inihayag ito ni GARMA nitong nakaraang Lunes sa kanilang isinagawang TURNOVER OF CHECKS bilang ambag ng PCSO sa ilang GOVERNMENT AGENCIES tulad ng SMALL TOWN LOTTERY (STL) SHARES na kanilang ipinagkaloob sa NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION (NBI) sa halagang P8,823,523.72; sa PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP) ay halagang P22,058,902.37.., at sa COMMISSION ON HIGHER EDUCATION ay ibinigay naman ang MANDATORY CONTRIBUTION sa halagang P21,406,854.70!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.