Advertisers

Advertisers

SMC TRADE, IMBIERNA ANG FANS

0 284

Advertisers

HABANG nakabinbin pa ang petsa ng opening para sa Season 46 PBA GOVERNOR’S CUP, (end of the month o December 5?) tuloy naman ang trading ng teams. Sa rebuilding ng SAN MIGUEL CORPORATION,imbierna ang fans ng BEERMEN sa nangyayaring trade.

Sa pagkatalo ng SMC teams, BEERMEN, GINEBRA at MAGNOLIA nitong nagdaang PHILIPPINE CUP Finals na nagawang hablutin ng TALK N TEXT TROPANG GIGA ang kampeonato, ‘nagkagulo’ na ang SMC, ayon sa fans na ibinubuhos ang hinagpis sa social media.

Bigla kasing nai-trade si ARWIND SANTOS sa NORTHPORT kapalit ni VIC MANUEL na kagagaling lang naman din sa trade from ALASKA to PHOENIX bago sa NORTHPORT. Hinagpis ng fans, kung nagrerebuild ang BEERMEN at idinidispatsa ang ‘Death 5’ o nanganganib ang First 5 veteran players, unfair para sa batch na nagparami ng SMC championship.



Papuntang aging na raw kasi ang first 5, ARWIND, ALEX CABAGNOT, CHRIS ROSS at MARCIO LASSITER, lumilinya sa liyebo cuatro o 40’s, kaya exception si JUNEMAR FAJARDO na bukod sa nakarami ng award ay still aged below, kesehodang halos bugbog sa injury.

Sumunod sa trading si ALEX CABAGNOT para kay SIMON ENCISO ng TERRA FIRMA. Hindi raw patas ayon sa fans, sa sobrang galing nina ARWIND at ALEX na kapwa lider ng championship batch na yun ng ilang beses. Kunsabagay, as the saying there goes, ‘Life begins at 40’,bakit ganun kaaga, inililipat na ang players na kung tutuusin, napakalakas pa. Nagkataon lang kinaya ng TNT, bakit daw ginigiba na ang batch porke lang kinapos?

Marami rin ang nagpost ng ‘galit’ kina PBA/SMC Gov. ALFRANCIS CHUA at Coach LEO AUSTRIA. ‘Sinisira mo na naman ang image ng SMC!” (kay AFC). “ Bakit hindi sina AL FRANCIS at Coach (LEO) ang itrade? Dapat si Coach, habang tumatagal, nakakatamad panoorin ang PBA.”

Well, napapaisip lang din po naman kami. Dati pa naman sinasabi ni Coach LEO AUSTRIA sa mga nagdaang kampeonato na binuno nitong batch ng First 5 na ‘Death 5” ngayon i-address. “Hindi naman po talaga ako magaling, magagaling lang talaga ang batch na ito.”

May punto rin on the other hand na may masisilip, dahil kung young players for a long range plan ang purpose ng SMC rebuilding, bakit si VIC MANUEL na veteran cager din ang katapat ni ARWIND kahit a bit less ang age, na injured din naman.



Hindi pa rin natin ma-visualize yung talagang tumbok ng trade. May higing din kasi na babawiin ng SMC si ARWIND para isalpak sa GINEBRA. Yun lang, hindi rin masisisi ang fans na loyal BEERMEN fans ng batch na yan,’ Tatak-SMB sina ARWIND, CABAGNOT, ROSS at LASSITER, sana raw, sa BEERMEN na lang sila magreretire, sooner or later.

Kung pakikinggan ang hinaing ng fans, medaling sumakay, to think na sa bawat kampeonato o sa nagdaang sunud-sunod na championship, sigaw ni SMC coordinator AL FRANCIS at Coach LEO ang ‘Maraming maraming salamat sa fans na laging nandiyan para sa amin, (na sila ang inspirasyon at dahilan ng desire na manalo)”. Wasak ang puso nila ngayon.

Looking back, ganun na nga naman dati ang SMC as noted bysocmed followers, pag umi-edad, aalisin, tulad din nina DANNY ILDEFONSO, DONDON HONTIVEROS etc, kahit si 2-time Most Valuable Player (MVP) JAMES YAP, di ba, from PUREFOODS to RAIN OR SHINE. Buti na lang si JEAN MARC PINGRIS, sa PUREFOODS na nakapagretire. HAPPY READING!