Advertisers

Advertisers

BANAT NI TATAY DIGONG KAY BBM, SINANGGA NI INDAY SARA

0 323

Advertisers

Di umano maubos-maisip ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio, vice presidential aspirant at Chairperson ng powerful LAKAS-CMD party kung saan hinugot ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga patutsadang binitiwan ng huli laban sa kanyang ka-tandem na si presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng Partido Federal ng Pilipinas.
Ginawa ni Duterte-Carpio ang pahayag sa dinumog ng taong caravan ng tinaguriang “invincible tandem” na si BBM-INDAY SARA sa Tagum City, Davao del Norte kamakailan.

 

Nang tanungin ng mga mamamahayag si Inday Sara kung bakit nagdesisyon itong tumakbo na lamang bilang bise presidente at suportahan ang kandidatura ni BBM sa pagka-Pangulo ng bansa, walang gatol na sinagot ito ng presidential daughter na;” Bilib ako kay Bongbong Marcos dahil sa malawak nitong karanasan bilang public official”.
Parang ako na isang mayor, naging gobernador ito, kongresista at senador”, ayon pa kay Inday Sara.

 



“Pinagkatiwalaan siya ng mga tao hindi lamang minsan kundi paulit-ulit dahil sa kapuri-puri nitong mga nagawa at hindi matatawarang pagmamahal at malasakit sa kanyang mga constituents.
 “Bilang governor, no one can question his vast experience in local governance.

 

Siya ang isa sa mga namuno sa Ilocos Norte upang umunlad nang husto ang nasabing probinsiya sa ilalim ng kanyang termino”, pagdiriin pa ni Duterte-Carpio sa pagpuri sa kanyang ka-tandem.

 

Nang tanungin sa isyu ng “cocaine-user” na ipinukol din ng Pangulong Duterte laban sa isang di pinangalanang presidential candidate, mabilis ang naging pagtugon ni Inday Sara na di siya naniniwalang si BBM ang pinatatamaan ng kanyang ama sa naging pahayag nito.

 

“As what Atty. Vic Rodriguez, spokesman of Bongbong Marcos said in a press statement ,they don’t feel alluded to the said tirade of President Duterte, eh di mas lalong di ako apektado dahil walang sense at malayo talaga ‘yun sa katotohanan”, Inday Sara further said.

 

Bakit magka-kontra na ngayon ang mga pahayag ng mag-amang Duterte patungkol sa batang  Marcos?

 



Inaasahang lalo pang lalaki ang di pagkakaintindihan ng mag-amang Duterte ngayong papalapit na ang campaign period kung saan, pinaninindigan ng dalawang Duterte ang pagsuporta sa magkalaban nilang kandidato sa pagka-pangulo.

 

Si Inday Sara ay opisyal na kandidato ng Lakas-CMD sa pagka-pangalawang pangulo at piniling maka-tandem at suportahan si Ferdinand “Bongbong”Marcos ng Partido federal ng Pilipinas  for President samantalang lantaran namang ikinakampanya ng Pangulong Duterte si Senator Christhoper “Bong ” Go ng PDP-Laban bilang standard bearer sa pagka-pangulo ng partidong pinamumunuan nito.

 

Saan mauuwi ang direktang banggaan ng mag-amang Duterte para sa 2022 national elections?

 

Abangan!

 

***

 

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
Ugaliin rin makinig at sumubaybay sa REALIDAD Online. Monday to Friday 4pm to 5pm over Elizalde Broadcasting